Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of September 2017
Home INFORMATION News ORANGE CARD DISTRIBUTION

ORANGE CARD DISTRIBUTION

orange-card-distribution 2017-01 01Pinangunahan ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office ang pamamahagi ng Orange Card noong nakaraang 24-25 ng Enero taong 2017. Ang nasabing Orange Card ay magsisilbing identity card para makakuha ng medical health services na eksklusibong magagamit sa Ospital ng Calaca.

Hinati ang pamamahagi sa dalawang araw, at naunang nabigyan ang mga coastal at lowland barangays na kinabibilangan ng mga sumusunod; Poblacion 1-6, Timbain, Putingkahoy, Sinisian, Bagong Tubig, Puting Bato West, Salong, San Rafael, Camastilisan, Quizumbing, Dacanlao, Talisay, Puting Bato East, Lumbang Calzada at Pantay. Sumunod na araw naman ang mga upland barangays na kinabibilangan ng mga sumusunod; Matipok, Niyugan, Lumbang na Matanda, Loma, Tamayo, Munting Coral, Caluangan, Bisaya, Makina, Baclas, Lumbang na Bata, Bambang, Dila, Cahil, Balimbing, Calantas, Coral ni Bacal, Coral ni Lopez, Taklang-Anak at Madalunot. 6,053 ang kabuuang bilang ng orange cards na naipamahagi.

orange-card-distribution 2017-01 02Bago magsimula ang pamamahagi ay nagkaroon din ng maikling programa upang bigyan daan ang mensahe ng Punong Bayan Hon. Sofronio Manuel C. Ona. Nagbigay din ng orientasyon at updates si Mrs. Maharani G. Babasa ang Municipal Social Welfare and Development Officer. Binigyan linaw ni Mrs. Babasa ang mga alituntunin sa pag gamit ng nasabing orange card maging ang mga benepisyo kalakip nito.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang nasabing programa at inaanyayahan pa ang mga Calaqueño na magpahanggang ngayon ay hindi pa nakakuha at nakakapag –register upang makakuha ng orange card. Patuloy ang application sa tanggapan ng MSWD maging sa renewal at pagpapalit ng IDs na nagkaroon ng pagkakamali sa pangalan at birthdays ng card holder at tagapakinabang.

Ang Medical Assistance Program na ito na mas kilala din na Orange Card. Program ay isa sa pinakamagandang prgrama na mayroon ngayon ang Bayan ng Calaca. Layunin nitong maging accessible ang tulong medical sa lahat ng Calaqueño. /Clara A. Vergara - MNAO

orange-card-distribution 2017-01 03

 

Last Updated (Monday, 06 February 2017 11:01)