Get Adobe Flash player
Sunday, 23rd of April 2017
Home INFORMATION News Libreng FLU Vaccine

Libreng FLU Vaccine

free-flu-vaccineBinigyan ng libreng Flu Vaccine ang 447 na mamayan ng Calaca sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa pamumuno ni Dra. Marjolyne Sharon Ona noong ika-19 ng Enero na ginanap sa 2nd Floor Conference room ng gusali ng lokal na pamahalaan. 122 sa mga ito ay kawani ng Lokal na Pamahalaan at 325 naman ay nagmula sa iba’t ibang barangay.

Bahagi ang programa ng pangangalaga sa kalusugan ng mga kawani laban sa mga usong sakit partikular ang ubo at sipon na siyang nagiging dahilan ng pagbawas ng productivity nila sa pagtatrabaho. Ito ay bilang tugon na rin sa hiling ng Punumbayan noong nakaraang Lunes sa flag raising ceremony na panatilihin ng lahat ang regular na check- up upang masiguro ang kalusugan na lubhang kailangan para sa epektibong paglilingkod.