Get Adobe Flash player
Saturday, 27th of May 2017

News


Gulayan sa Paaralan Suportado ng LGU

programang-gulayanBilang bahagi pa rin ng pagtataguyod ng Lokal na Pamahalaan sa programang Gulayan sa Paaralan pinagkalooban ng iba’t ibang gardening tools ang 37 pampublikong paaralang sakop ng Distrito ng Calaca noong ika-23 ng Setyembre 2016 na ginanap sa bulwagan ng local na pamahalaan. Personal na iniabot ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona ang mga kagamitan sa paghahalaman sa mga guro kasama ang Sangguniang Bayan. Naging katuwang ng Punumbayan ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultura na pinamunuan ng Gng. Alicia Cabrera sa nasabing proyekto.

Read more...

 

Fishing Supplies Pakinabang ng mga Mangingisda

fishing-supplies 2016-09Sa ikatlong pagkakataon, muling namahagi ang pamunuan ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona at Sangguniang Bayan ng Calaca katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na pinamumunuan ni Gng. Alicia A. Cabrera ng iba’t ibang gamit sa pangingisda para sa 50 mangingisda mula sa tatlong barangay sa nasasakupan kabilang ang Salong, Talisay at Camastilisan noong ika-16 ng Setyembre 2016 na ginanap sa bulwagan ng bahay-pamahalaan.

Read more...

 

Gulayan sa Paaralan Suportado ng Lokal na Pamahalaan

gulayan-sa-paaralanLalong naging inspirado ang mga guro sa pampublikong paaralang elementarya at sekundarya sa bayan ng Calaca matapos matanggap ang mga binhing gulay at gamit sa pagtatanim na ipinagkaloob ng ng Lokal na pamahalaan sa DepEd Calaca.  Pinangunahan ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona at Sangguniang Bayan members ang pamamahagi noong ika-24 ng Agosto 2016  katuwang si Municipal Agriculturist Alicia A. Cabrera na malugod na tinanggap ng mga gurong dumalo.

Read more...

 
More Articles...