Get Adobe Flash player
Sunday, 24th of March 2019

News


1st MBO Urban Fire Olympics, Tampok sa Fire Prevention Month

1st-mbo-urban-fire-olympicsTaun-taon, tuwing sasapit ang buwan ng Marso ang Himpilan ng Pamatay Sunog ay nagdiriwanga ng mga aktibidad para sa Fire Prevention Month. Ngayon taon ang pagdiriwang ay may temang “Ligtas na Pilipinas ating Kamtin, Bawat Pamilya ay Sanayin, Kaalaman sa Sunog ay Palawakin”. Kaugnay nito nagkaroon ng iba’t ibang Information Education Campaign (IEC) ang himpilan upang bigyan ng wastong kaalaman ang mga mamamayan sa pag-iwas sa panganib ng sunog. Noong ika- 20 ng Marso, sa kauna-unahang pagkakataon ay naisagawa ang 1st Mayor Boogle Ona Urban Fire Olympics sa pagtutulungan ng Bureau of Fire Protection Calaca na pinangungunahan ni S/Insp. Jonathan A. Malundas at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na pinamumunuan ni G. Sherwin R. Comia at nilahukan ng apat (4) na Barangay at anim (6) na locators sa nasasakupan ng Calaca.

Read more...

 

ALS, OSY at SK: Tumanggap ng Livelihood Training

als-osy-sk-livelihood-trainingSumailalim sa tatlong araw na pagsasanay sa Silk Screen Printing at Paper & Novelty Items Making ang may 60 mga kabataan mula sa Out of School Youth (OSY), Alternative Learning System (ALS) at Sangguniang Kabataan na ginanap sa bahay pamahalaan ng Calaca noong Marso 5-7, 2018 sa ilalim ng programang pangkabuhayan ng Municipal Social Welfare and Development Office na nakaangla sa Gender & Development Fund.

Read more...

 

Kasalang Bayan 2019

kasalang-bayan-2019 01Isang mass garden wedding ang idinaos sa bayan ng Calaca kasabay ng pagdaraos ng Araw ng mga Puso kung saan 59 na pares ang ikinasal ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona na sinaksihan ng mga panauhin sa okasyon kabilang si G. Raul Maximo B. Tolentino, Provincial Statistics officer (PSA Batangas), ganudin ng mga halal na opisyal ng bayan, mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga ninong at ninang at mga kapamilya ng mga ikinasal.

Last Updated (Sunday, 24 February 2019 09:07)

Read more...

 
More Articles...