NASusulat: KAYANG-KAYA NG DIYOS
By: Ptr. Joel E.
Betis, CMF
Efeso 3:20
“Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin”.
Isang bagay na dapat nating ikasiya sa ating buhay tuwina
ang malaman na mayroong Diyos na laging tumitingin, nag-iingat, nagpapala at
nagpapatawad sa atin. Dahilan upang harapin ang buhay ng may katiyakan na
mayroon tayong katulong walang iba kundi ang Diyos.
Lumipas na muli ang isang taon, marami ang naganap na
sakuna, kalamidad at trahedya. Mga pangyayaring sumusubok sa ating buhay,
subalit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy na ipnapadama ng Diyos ang kanyang
habag at awa. Pinatunayan niya na siya ang may hawak ng lahat. Oo, ng
lahat-lahat! Sabi nga sa Biblia; “Ang lahat ng bagay dito sa daigdig ay
mawawala, subalit ang Diyos at ang kanyang salita ay mananatili
magpakailanman”.
Hindi ka dapat matakot o mangamba sa pagharap mo sa bagong
taon ng buhay mo! Nariyan ang Diyos na laging nakahanda na tulungan ka. Ang
kailangan lang ay lubusang paniwalaan ang kanyang salita at pangako.
“Hindi ka Niya iiwan o pababayaan man”. (Hebreo 13:5)
Sa panahon ng problema huwag sabihing: “Diyos ko may malaki
akong problema! Sa halip ganito ang dapat mong sabihin, “Hoy problema, mayroon
akong MALAKING DIYOS”. Sa Diyos na makagagawa ng higit kaysa lahat ng maari
nating hilingin at isipin…lagi mong tatandaan, KAYANG KAYA NG DIYOS!
< Prev |
---|
Last Updated (Monday, 18 January 2010 07:55)