Get Adobe Flash player
Thursday, 22nd of June 2017
Home INFORMATION ARCHIVES

CALACAtchara Festival Wagi sa Ala Eh!

ala-eh-2012_calatchara-street-dancingHumakot ang Bayan ng Calaca ng parangal sa pagdiriwang ng ika-431 taong pagkakatatag ng Lalawigan ng Batangas na ginanap sa Lungsod ng Tanauan noong Diyembre 1-8, 2012.

Sa nasabing okasyon, nasungkit ng mga entries ng Calaca ang panalo sa iba’t ibang kategorya. Kabilang dito ang pagiging 1st place sa Best Booth, 1st place sa pinakamagandang float, 2nd place sa pinakamagandang costume, 3rd place sa court dancing at champion sa street dancing.

Napabilib ang mga hurado at manonood sa kakaibang husay sa larangan ng sining at pagkamalikhain na ipinakita ng mga taga-Calaca.

Ang magarbong float na nagpapakita ng tradisyon at buhay Calaqueño na ginamitan ng mga material na pangkaraniwang makikita sa ating bayan ay pinatingkad ng kulturang nais ipahiwatig ng konsepto. Samantala, ang CALACAtchara booth ay binigyang buhay ng mga kabute at pira-pirasong kawayan bilang dekorasyon sa dingding na napalibutan ng iba’t ibang klase ng atsara ganun din ng mga gulay na ani sa ating mga lupang sakahan.

Inaliw ng mga street dancer sa kanilang galaw ang mga manonood suot ang kanilang costume na kapwa umiindayog sa bawat indak at padyak ng katawan.

Naging masaya at kapana-panabik ang bawat sandali ng isang linggong kumpetisyon at minsan pa ay pinatunayan ng mga Calaqueño ang kanilang galing at husay, na lalong naiangat sa pamamagitan ng sama-sama at tulung-tulong na paggawa.

ala-eh-2012_calatchara-both ala-eh-2012_calatchara-float

Last Updated (Monday, 31 December 2012 05:06)