Get Adobe Flash player
Thursday, 22nd of June 2017
Home INFORMATION ARCHIVES

Senior Citizens’ Pension

senior-citizens-pensionNakatanggap ng social pension para sa huling kwarter ng taong 2012 ang 131 senior citizens sa Bayan ng Calaca noong ika-4 ng Disyembre sa bulwagan ng bahay pamahalaan. Pinangunahan ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development Regional Office katulong ang Municipal Social Welfare Office ng Calaca.

Sa nasabing pamamahagi, ang bawat isa sa kanila ay tumanggap ng kabuuang PHP1,500 na inilaan ng national government para sa katatandaang may edad 77 taong gulang pataas, maysakit at nabibilang sa mga mahihirap na pamilya. Bakas ang tuwa sa kanilang mukha dahil sa maliit na halaga naramdaman nila ang pagkalinga ng pamahalaan.

Last Updated (Saturday, 08 December 2012 17:58)