Get Adobe Flash player
Friday, 24th of November 2017
Home INFORMATION ARCHIVES

QUARTERLY BLOOD DONATION PROGRAM

blood-donation_4q2012-01Limampu’t walong (58) Calaqueño ang boluntaryong nakibahagi sa blood donation activity ng Municipal Health Office para sa huling kwarter ng taong 2012. Ginanap ito noong Nobyembre 20, 2012 sa nasabing tanggapan katuwang ang mga kawani ng Batangas Regional Hospital Blood Bank Department.

blood_donation_4q2012-02Kabilang sa mga barangay na nakilahok ang Bisaya, Lumbang na Matanda, Makina, Poblacion 6, Balimbing, Puting Bato East, Bagong Tubig, Madalunot, Calantas at Poblacion 2. Ayon sa tala, ang kwarter na ito ang pinakamaraming blood donors na labis na ikinagagalak ng mga taga Lokal na Pamahalaan. Ito marahil ay bunga na din ng positibong resulta ng programa sa mga kababayan na nakaranas ng pangangailangan sa dugo upang maisalba ang buhay ng kapwa.