Get Adobe Flash player
Tuesday, 21st of November 2017
Home INFORMATION ARCHIVES

LGU Sariaya sa Quezon, Naglakbay-aral sa Calaca

sariaya-lgu-in-calacaSetyembre 18, 2012, dumating sa Bayan ng Calaca ang mga piling pinuno ng mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Sariaya sa Lalawigan ng Quezon upang magsagawa ng kanilang Lakbay-aral sa Calaca.Pinangunahan ito ng kanilang Municipal Local Government Operations Officer na si Gng. Myrna Rocafort at Executive Asst. Na si G. Marion Saligay.

Isang malaking karangalan sa Bayan ng Calaca na mapiling puntahan upang pagtuunan ng pansin ang natatanging inisyatibong ginawa ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca upang tumaas ang revenue generation nito na tinitingala ng ibang bayan at lalawigan.

Mainit silang sinalubong ng mga kawani ng LGU Calaca at pagkatapos ay nagkaroon ng mailking programa kung saan ipinakilala ang natatanging katangian ng mahal na bayan at ang best practices nito. Nagbahagi din si Mayor Nas Ona ng kanyang mensahe sa mga panauhin at inilahad niya ang kanyang paghanga sa pagpili sa Calaca dahil alam niyang higit na maunlad ang Bayan ng Sariaya kaysa Calaca kayat tinanong na lang niya ang pakay sa pagtungo at nang mabatid na revenue generation, hindi siya nagdalawang isip na ibahagi ang mga detalye nito at idinagdag niya ang kanyang political will na siyang isa sa naging sandata upang tamasahin ang kaunlaran sa Bayan ng Calaca kumpara sa mga nagdaang panahon.

Matapos ang pagtatalakayan ay dumako sila sa kanilang workshop katulong ang mga department heads ng Calaca kabilang dito sina Exec. Asst. Rudy Mercado, Mun. Treasurer Mila Tenorio, Budget Officer Vicky Alamag, Assessor Eduardo Matalog, Planning Officer Luisito Manalo at BPLO Evelyn Reyes. Ito ay upang higit silang maliwanagan sa mahahalagang function o gawain ng opisina na nakatutulong nang malaki sa paglaki ng kita ng kaban ng bayan ng Calaca.

Sa kanilang pag-uwi, baon ng mga taga-Sariaya ang mga ideyang CalaqueƱo na sa kanila ay ibinahagi at inaasahang magiging binhi din ng higit pa nilang pag-unlad at bitbit siyempre ang masarap na atcharang Calaca.