Get Adobe Flash player
Monday, 25th of September 2017
Home INFORMATION ARCHIVES

Libreng Toilet Bowls para sa Kalinisan

free-toilet-bowlNamahagi ang Municipal Health Office ng libreng toilet bowls sa may 150 mamamayan mula sa 17 barangay ng Calaca noong ika-28 ng Agosto taong 2012 sa Calaca gymnasium. Pinangunahan ni Dr. Sharon Ona, Municipal Health Officer ang pamamahagi katulong ang mga sanidad ng kanilang tanggapan.

Kabilang sa mga barangay na nakatanggap ng biyayang ito ang Brgy. Cahil, Brgy. Dila, Brgy. Lumbang Calzada, Brgy. Lumbang na Matanda, Brgy. Lumbang na Bata, Brgy. Taklang-Anak, Brgy. Sinisian, Brgy. Bisaya, Brgy. Coral ni Lopez, Brgy. Calantas, Brgy. Caluangan, Brgy. Bagong Tubig, Brgy. Poblacion 6, Brgy. Timbain, Brgy. Munting Coral, Brgy. Tamayo at Brgy. Puting Bato West.

Layunin ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan na paigtingin ang kampanya sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit kaya’t upang matugunan ito, nilibot ng mga sanidad ang mga barangay upang matiyak ang bilang ng mga sambahayang higit na nangangailangan nito.

Last Updated (Wednesday, 26 September 2012 17:14)