Get Adobe Flash player
Wednesday, 22nd of November 2017
Home INFORMATION ARCHIVES

Blood Donation Activity

blood-donation_3q-2012Isang blood letting activity ang isinagawa sa tanggapan ng Pambayang Kalusugan noong nakaraang Agosto 14, 2012 bilang pagtataguyod ng quarterly blood donation program ng kanilang tanggapan na pinangunahan ni Dr. Sharon Ona, Municipal Health Officer.

Labing pito (17) sa mga mamamayan ng Calaca ang boluntaryong nagbigay ng kanilang dugo bilang pakikiisa sa nasabing aktibidad. Naging matagumpay ang proyekto sa pakikipag-ugnayan ng nasabing tanggapan sa Batangas Regional Hospital.

Hinihikayat naman ang iba pang CalaqueƱo na makibahagi sa nasabing programa upang makatulong sa pagsagip ng buhay ng mga kababayan sa panahon ng pangangailangan.