Get Adobe Flash player
Friday, 24th of November 2017
Home INFORMATION ARCHIVES

PHILHEALTH CARDS, IPINAMAHAGI

philhealthIpinamahagi ng MSWD at Municipal Health Office ng Bayan ng Calaca ang mga PhilHealth cards sa may 4,384 na mamamayan ng Calaca noong Agosto 8-9, 2012.

3,826 sa mga tinanggap na PhilHealth cards ay mula sa national government na resulta ng isinagawang survey ng pamahalaan at 558 sa mga ito ay handog ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca para sa mga kababayang higit na nangangailangan upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan. Ang mga ito ay renewal ng mga Philhealth cards na naipamahagi noong 2011.

Personal na dumalo si Mayor Nas Ona sa pamamahagi ng Philehealth cards kung saan nakadaupang-palad niya ang mga nasabing tagapakinabang sa municipal gym. Tinutukan naman nina MSWDO Maharani Babasa at MHO Dr. Sharon Ona ang pamamahagi ng nasabing PhilHealth cards sa 40 barangay na sakop ng Calaca.

Inaasahan na malaking tulong ang programang ito upang pagaanin ang alalahanin ng mga CalaqueƱo sa panahon ng kanilang pagkakasakit.

Last Updated (Sunday, 04 November 2012 21:01)