Get Adobe Flash player
Tuesday, 16th of October 2018
Home INFORMATION ARCHIVES

MDRRMC ng Calaca, Nagpulong

mdrrmc_calacaAgosto 7, 2012, agad nagpatawag ng dagliang pagpupulong si Mayor Nas Ona ganap na ika-9:30 ng umaga sa Bahay Pamahalaan ng Calaca na dinaluhan ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council. Kinabibilangan ang dumalo ng mga pinuno ng departamento ng lokal na pamahalaan, DepEd District Supervisor Hermogenes Panganiban, Police Chief Inspector Arturo Divino, SFO1 Enrico Carcabuso ng Bureau of Fire Protection at Pastor Rey Betis ng Calaca Ministerial Fellowship.

Sa nasabing pulong kinumusta ni Mayor Nas Ona na siya ding Chairman ng MDRRMC ang kalagayan ng Bayan ng Calaca sa pamamagitan ng pag-update ng mga miyembro ng council sa mga naging kaganapan sa loob ng magdamag.

Inatasan niya ang Municipal Information Office na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon 24/7 at siguruhing maipapaabot hanggang sa lebel ng barangay ang impormasyon lalo na sa mga panahong tulad nito. Ito aniya ay upang matiyak ang kaligtasan ng nasasakupan at maihatid agad ang tulong na maaring kailanganin.

Inatasan din niya si Engr. Eleno Ontangco, Municipal Engineer, upang inspeksyunin ang mga imprastraktura partikular ang mga gusali ng paaralan at mga tulay at tuwirang iulat sa kanya ang magiging resulta. Tiniyak din ang kahandaan ng mga paaralan bilang evacuation centers kung sakaling magkaroon ng emergency evacuation.

Sa huli itinagubilin niya ang patuloy na pag-antabay ng mga miyembro ng MDRRMC at palagiing bukas ng mga linya ng komunikasyon.