Get Adobe Flash player
Wednesday, 19th of December 2018
Home INFORMATION ARCHIVES

Agarang Tulong sa mga Nasalanta ng Bagyong Gener

agarang-tulong_bagyong-generMabilis ang naging pagtugon ng Municipal Social Welfare and Development Office sa mga naging biktima ng Bagyong Gener noong nakaraang Hulyo 30, 2012 sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods sa may 58 pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Barangay Salong, 15 sa Barangay Quizumbing, 5 sa Barangay Tamayo, 16 sa Brgy. Talisay at 2 sa Barangay Loma.

Ang nasabing mga pamilya ay naapektuhan ng malalakas na bugso ng hangin at pagtaas ng tubig dulot na malalakas na alon sa dagat na umabot sa kanilang mga tahanan at nagdulot ng pagkasira nito ganun din ng mga bangka na ginagamit nila sa paghahanap-buhay.

Bagamat masungit ang panahon, pinangunahan ni MSWDO Maharani Babasa at ng kanyang staff ang pagtungo sa nasabing mga lugar partikular sa Brgy. Salong na pinakamaraming naapektuhan upang alamin ang lawak ng epekto nito kasama ang mga kawani ng Pambayang Kabatiran. Matapos ang pakikipanayam sa mga mamamayang nasalanta at sa pagpapatunay ng mga punongbarangay, nahatiran ang mga biktima ng bigas, de-lata at noodles na dagliang kailangan nila habang sila ay pansamantalang nakikisilong.