Get Adobe Flash player
Tuesday, 16th of October 2018
Home INFORMATION ARCHIVES

PROYEKTONG VEGETABLE PRODUCTIONS

agricultural-supplies-distribution_01Ipinamahagi ni Mayor Nas Ona sa 183 magsasakang CalaqueƱo ang agricultural supplies bilang ayuda sa programang Nananaganang Ani ng Sambayanang CalaqueƱo noong ika-12 ng Hulyo, 2012 sa bulwagang pambayan ng Calaca. Ang nasabing programa ay ipapatupad sa 25 barangay na natukoy na higit na makapagbibigay ng kapakinabangan sa mga mamamayan nito sa pamamatnubay at pagpapatupad ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia A. Cabrera, Pambayang Agrikultor.

agricultural-supplies-distribution_02Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga buto ng kamatis, talong, ampalaya, sili, labanos, sitaw at papaya; plastic mulch; seedling tray, peatmoss at pataba.

agricultural-supplies-distribution_03Sa mensahe ng Punumbayan, kanyang binigyang-diin ang kabutihang dulot ng pagsasaka kumpara sa pagtatrabaho sa opisina o mga pabrika. Sipag at tiyaga ang kailangan upang mapaunlad ang mga tanim at magkaroon ng maraming ani. Ang mga bagay na ito aniya ay napatunayan na ng mga naunang sumubok ng proyekto. Ipinahayag din niya ang kanyang katuwaan na ngayon ay marami ng mamamayan ang nagnanais sumali sa programa hindi tulad ng mga unang taon ng paglulunsad nito na kaunti lang ang nagpakita ng interes sa paghahalaman.

Sa pamamagitan ng ganitong programa umaasa ang lokal na pamahalaan na malaki ang maitutulong nito upang maibsan ang kawalang pagkakitaan sa Bayan ng Calaca.

Matatandaan na ang programang ito ay unang inilunsad noong taong 2008 at hanggang ngayon ay sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan.

Last Updated (Wednesday, 15 August 2012 17:33)