Get Adobe Flash player
Sunday, 21st of January 2018
Home INFORMATION ARCHIVES

Papaya Production Seminar

papaya-production-seminarIsang pagsasanay tungkol sa Papaya Production ang isinagawa ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni G. Alicia Cabrera sa pakikipag-ugnayan sa East-West Seed Company na ginanap sa veranda ng Bahay Pamahalaan ng Calaca noong ika-2 ng Hulyo 2012.

Ito ay dinaluhan ng mga magtatanim ng papaya mula sa Barangay Niyugan, Putingkahoy, Bisaya at Bagong Tubig na magiging tagapakinabang ng proyektong Nananaganang Ani ng Sambayanang CalaqueƱo. Dumalo din ang mga technicians at Brgy. Coordinators ng nasabing tanggapan. Layunin ng pagsasanay na magbigay ng sapat na kaalaman upang mapataas ang produksyon ng papaya na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng atchara sa bayang ito.

Last Updated (Wednesday, 15 August 2012 17:23)