Get Adobe Flash player
Wednesday, 22nd of May 2019
Home INFORMATION ARCHIVES

CALACA, Nangunguna sa LGPMS Performance Evaluation

lgpms-performance-evaluationNapatunayan ang husay ng bayan ng Calaca sa ilalim ng leadership ni Mayor Nas Ona sa ginanap na Local Government Performance Management System o LGPMS Exit Conference noong nakaraang Mayo 30, 2012 na isinagawa sa ABC office ng Pamahalaang Bayan ng Calaca. Dinaluhan ito ng mga halal na opisyales ng bayan, mga department head at ni DepEd District Supervisor, Dr. Hermogenes Panganiban.

Pinangunahan ang evaluation ni Gng. Nieva Maningat, MLGOO V ng DILG sa Calaca at naging panauhin si Gng. Maria Marquez, DILG Cluster head para sa1st at 2nd District ng Batangas. Ibinalita niya na sa ginanap nilang evaluation ng LGPMS result para sa taong 2011, naging kapansin-pansin ang muling pag-angat ng performance ng bayan Calaca na nanguna sa 31 bayan sa lalawigan ng Batangas. Ang LGPMS ay isang proseso ng pagtataya sa performance ng isang munisipyo sa 4 na basehan ng pamumuno kabilang dito ang administrative governance, social governance, economic governance at environmental governance. Sa pamamagitan ng mga score card na sinagutan ng mga departamentong may kaugnayan sa nasabing mga basehan, nakikita ang mga puntos na nagpapalakas sa performance ng isang bayan o siyudad ganun din ang mga aspetong dapat pang paunlarin.

Matatandaang noong nakaraang taon ay isa ang bayan ng Calaca sa 866 na bayan at siyudad sa buong Pilipinas na ginawaran ng Seal of Good Housekeeping Award sa bronze category ng DILG at higit pang pinagbubuti ang pamumuno upang makuha ang parehong pagkilala sa silver category.

Last Updated (Sunday, 24 June 2012 20:33)