Get Adobe Flash player
Sunday, 24th of March 2019
Home INFORMATION ARCHIVES

Libreng Konsiyerto, Handog sa Calaqueño

summer-muzikrakanIsang libreng konsyerto ang handog ni Mayor Nas Ona sa mamamayang Calaqueño ngayong panahon ng tag-init. Sinimulan ang proyekto noong ika-23 ng buwan ng Marso sa Calaca Municipal Hall grounds ganap na ika-pito ng gabi na kinatampukan ng mga bandang mula sa bayan ng Calaca.

Layunin nito na mabigyang kasiyahan ang mga mamamayan ngayong summer season lalo na ang mga estudyante upang ma-enjoy ang kanilang bakasyon. Naglalayon din ito na magkaroon ng mapaglilibangan ang mga pamilyang Calaqueño tuwing Biyernes at Sabado ng gabi kung saan karaniwang maagang natutulog o nagpapahinga ang mga tao at ganun din upang mahasa ang kakayahan ng mga local bands sa pagpe-perform sa entablado.

Bukas naman ito sa mga banda na handang mag-perform on stage for free every Fridays at Saturdays ngayong buong panahon ng tag-init.

Inaasahan na sa programang ito mabibigyang kasiyahan na ang mga taga-Calaca, magkakaroon pa ng night market sa bayang ito ngayong summer season.

Last Updated (Friday, 01 June 2012 08:10)