Get Adobe Flash player
Sunday, 24th of March 2019
Home INFORMATION ARCHIVES

PAY OUT FOR CASH FOR WORK & TRAINING, IPINAMAHAGI

Ni: Grace Rodriguez

pay-out_cash-for-workMatagumpay na naipamahagi ng mga kawani ng pamahalaang bayan ng Calaca mula sa tanggapan ng MSWD at Agriculture Office katulong ang DSWD Regional Office ang huling pay-out para sa programang Cash for Work and Training program ng national government noong ika-10 ng Enero taong kasalukuyan.

Naging tagapakinabang ng nasabing proyekto ay ang 1,321 magsasaka at 32 fisherfolks na may kabuuang 1,353 mula sa iba’t ibang barangay ng nabanggit na bayan. Ang mga beneficiary na ito ay nagtrabaho sa mga gawaing pambarangay at mga pagsasanay na tumagal ng labing isang araw kung kaya’t tumanggap ang bawat isa ng halagang 1,248 bilang karagdagan sa naunang ipinamahagi. Umabot sa halagang P312.00 ang kita ng bawat isa kada araw na kanilang ipinagtrabaho.

Laking pasasalamat naman ng mga tagapakinabang sa biyayang kanilang natamo.

Last Updated (Tuesday, 24 January 2012 21:28)