Get Adobe Flash player
Wednesday, 22nd of May 2019
Home INFORMATION ARCHIVES

Empleyado ng LGU Calaca, Sumailalim sa ONA-RHP

Ni: Ana Katrina Perez

ona-rhp-seniorsIka-9 ng Enero taong kasalukuyan sinimulan ang programang “Orientasyon para sa Natatanging Abilidad ng Calaqueño-Reproductive Health Program” at sa pagkakataong ito ay hindi mga mamamayan ng barangay kundi mga empleyado ng Munisipyo ng Calaca ang participants. Ito ay sa ilalim ng Municipal Health Office, sa pangunguna ni Dr. Marjolyne Sharon V. Ona at sa pakikipagtulungan ng MSWD at mayor’s office.

Hinati-hati ang mga empleyado sa iba’t-ibang kategorya tulad ng mga ina, ama, senior citizens at mga kabataan. Sa unang linggo, binigyang pansin ang unang grupo ng mga ina at nagkaroon ng 44 na participants. Nagkaroon sila ng 3 araw na pag-aaral na kinapapalooban ng pangangalaga sa ina at sa sanggol, pagpaplano ng pamilya, pagpapasuso, bakuna, healthy lifestyle, good grooming, stress management, environmental sanitation, nutrition at iba’t ibang sakit. Hindi rin nawala ang topic tungkol sa values formation. Nagkaroon naman ng 16 na senior citizens na nakilahok sa senior citizens’ class kung saan tinalakay ang mga paksa tulad ng nutrition, healthy lifestyle, good grooming, senior citizens rights at ibat’ ibang mga sakit.

ona-rhp-mothersNgayong linggong ito, magpapatuloy ang second batch ng mga nanay na sasailalim sa mothers’ class at sa susunod na linggo ang singles’ class. Inaasahang matatapos ito sa ika-26 ng Enero taong kasalukuyan at magpapatuloy ang pagbibigay kaalaman sa iba’t ibang barangay na sakop ng Bayan ng Calaca.

Ang ONA-RHP ay isang programa ng lokal na pamahalaan na nagsimula noong 2008 at patuloy na umiikot sa mga barangay upang turuan ang mga mamamayan na mamuhay ng produktibo, malusog at malapit sa Diyos na siyang isa sa hangarin ng pamunuan ni Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza.

Last Updated (Tuesday, 24 January 2012 21:07)