Get Adobe Flash player
Sunday, 24th of March 2019
Home INFORMATION ARCHIVES

PHILHEALTH “AKO” TRAINING, IDINAOS

Ni: Baby Arlyn P. Bautista

philhealth_ako_2012Isinagawa noong ika-13 ng Enero, 2012 ang PhilHealth “Ako” Training para sa lahat ng empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Calaca na ginanap sa Training Room, 2nd Floor, New Municipal Hall, Calaca, Batangas.

Humigit kumulang dalwang daang empleyado ng munisipyo ang nabigyan ng oryentasyon hinggil sa mga bagong guidelines, rules, gayundin ang hospitalization at outpatient benefits na matatanggap ng mga miyembro at mga kuwalipikadong dependents ng Philippine Health Insurance Corporation. Ito ay malinaw at maayos na naipaliwanag nina Bb. Jennifer A. Apego, Advocate & Knowledge Officer o AKO ng Bayan ng Calaca at ni G. Norberto M. Dimayuga mula sa PhilHealth Lemery.

Katulad ng layunin ng PhilHealth, ang training na ito ay naglalayong maipabatid ang “sapat at abot-kayang segurong pangkalusugan para sa lahat”.

Last Updated (Monday, 16 January 2012 17:24)