3rd Quarter Blood Donation Program

News

3q-blood-donationSa isinagawang quarterly blood donation program ng Municipal Health Office noong ika-4 ng Setyembre, nagkaroon ng 28 blood donors na nagmula sa iba’t ibang barangay upang boluntaryong magbigay ng dugo para sa pangangailangan ng kapwa. Kabilang sa mga barangay na tumugon dito ang Pantay, Bagong Tubig, Puting Bato East, Lumbang Calzada, Puting Bato West, Caluangan, Coral ni Lopez, Puting Kahoy, Dacanlao at Matipok.

Naging katuwang ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan ang Batangas Regional Hospital- Blood Bank department para sa examination at   blood extraction ng mga blood donor.

Matatandaan na taun-taon ay nabibigyan ng pagkilala ang Bayan ng Calaca sa mga pangrehiyong parangal ganun din ang mga aktibong barangay na sumusuporta sa programang ito at napatunayan din na malaki ang naitutulong nito sa mga kababayan sa dagliang pangangailangan ng dugo.

Last Updated (Tuesday, 01 October 2013 12:06)