Biyaya para sa ONA Scholars

News

ona-scholars_01-2013Tinanggap ng 44 na ONA scholars ang kanilang educational assistance mula sa Lokal na Pamahalaang Bayan noong Enero 8, 2013 kasabay ng kanilang general assembly sa bulwagan ng Pamahalaang Bayan.

Pinangunahan ni MSWDO Maharani Babasa ang pamamahagi katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman sa pamumuno ni Gng. Mila Tenorio. Dumalo rin si Mayor Nas Ona at naghatid ng kanyang mensahe ng pasasalamat sa mga iskolar sa kanilang pagpupursige sa pag-aaral sa kolehiyo. Ipinahayag din niya ang hangarin na kung sino man ang susunod na maging ama ng Bayan ng Calaca ay maipagpatuloy ang ganitong hangarin para sa mga kabataang kapus-palad.

Natigib naman ng saya ang mga iskolar ng bayan ganun din ang kanilang mga magulang sa halagang PHP10, 000 na natanggap dahil malaking katulungan ito sa pag-aaral.