Get Adobe Flash player
Thursday, 19th of July 2018
Home INFORMATION

Information


2013 NUTRITION MONTH CELEBRATION

News

nutrition-month-mayorIsang malusog na Nutrition Month ang idinaos noong Ika-30 ng Hulyo 2013 na may temang “Gutom at Malnutrisyon, sama- sama nating Wakasan!” Ganap na ika-7:00 ng umaga ng simulan ang customary parade ng mga Daycare Children kasama ang kani-kanilang mga magulang na nagmula sa Municipal Building patungo sa Multi-Purpose Gymnasium. Tinatayang nasa apatnapu’t isang (41) Daycare Centers at may kabuuang isang libo tatlong daan at labing siyam (1,319) Daycare Children ang dumalo sa selebrasyong ito.

Last Updated (Wednesday, 07 August 2013 22:30)

Read more...

 

Gamit mo, Sagot ko - Year VI

News

gamit-mo-sagot-ko-dacanlaoMuling namahagi ang Pamahalaang Lokal Calaca ng mga school supplies para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa buong bayan noong Hulyo 16-19 ng taong kasalukuyan. Pinangunahan ng bagong halal na Punumbayan, Mayor Manuel Boogle Ona at Vice Mayor Renante Macalindong kasama ang buong puwersa ng Sangguniang Bayan ng Calaca ang ikaanim na taunang pamamahagi ng mga gamit sa mga mag-aaral.

Last Updated (Wednesday, 07 August 2013 22:22)

Read more...

 

Farewell Party para kay Mayor Nas Ona

News

farewell-partyIka-28 ng Hunyo 2013, ginanap ang itinakdang petsa ng selebrasyon para sa huling araw ng  pagkakaluklok sa lokal na pamahalaan ng  pinakamamahal na Punong Bayan ng Calaca Sofronio Nas C. Ona,Jr. Pinasimulan ito ng isang makabuluhang panalangin na pinangunahan ni Pastor Ben Sale. Kasunod nito ng nagpakitang gilas ang mga Department Heads, kung saan ipinakita nila sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang hindi makakalimutang karanasan nila kay mayor Nas. Mayroon din namang gumawa ng eksenang ‘di katanggap-tangap sa pamahalaang lokal tulad ng pag-iinom at pakikipag-tsismisan na dating nakagawiang gawin ng ilang kawani sa ilalim ng pinalitang administrasyon. Matapos ang kani-kanilang bahagi sa dula, sinundan ng pagbibigay ng dept. heads ng kani-kanilang mensahe na naghatid ng isang malungkot na pamamaalam na tila kumurot sa damdamin ng bawat isang empleyado. Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ay nag-abot sila ng kaunting regalo upang magsilbing pasasalamat sa lahat ng magagandang ginawa ng mayor sa loob ng siyam na taon niyang panunungkulan.  Ngunit ‘di pa dun nagtatapos ang lahat, kung may lungkot, mayroon ding saya. Dumalo rin sa kasiyahang ito ang mga bagong halal ng Sangguniang Bayan upang maghandog ng isang awitin.Nagpakitang gilas din ang mga piling empleyado sa kanilang  masisiglang bilang sa pamamagitan ng pag-awit at pagsayaw na inihandog ng bawat departamento. Nagbigay aliw din ng mapanood nya ang mga di sinasadyang kuha niya sa mga larawan na nagbungad sa kanya ng malaking ngiti. WE WILL NEVER SAY GOODBYE TO YOU MAYOR NAS ONA! /Jastene/Adel/Jhoy

Last Updated (Sunday, 21 July 2013 21:46)

 
More Articles...