Get Adobe Flash player
Thursday, 23rd of November 2017
Home INFORMATION

Information


BAGONG PAMUNUAN SA PATULOY NA PAG-UNLAD SA BAYAN NG CALACA

News

bagong-pamunuan 01Pagkatapos ng “unprecedented” na tatlong magkakasunod na terminong panunungkulan ni Mayor Sofronio “Nas” C. Ona Jr., nagsimula ang isang bagong yugto sa pamahalaang pambayan ng Calaca. Ang bagong halal na Punumbayan Sofronio Manuel “Boogle” C. Ona, kasama ang kanyang magiging katuwang sa panunungkulan na kinabibilingan ng Pangalawang Punumbayan Renante L. Macalindong, at ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Deovic M. Ontangco, Emilyn D. Alcazar, Robenson M. Sale, Rexner Jown V. Pastoral, Maria Vicenta L. Vidal, Divina A. Opelanio at Orlando E. Noche ay nanumpa sa dalawang pagkakataon.

Last Updated (Sunday, 21 July 2013 21:55)

Read more...

 

DepEd Calaca Pays Tribute to Mayor Nas

News

deped-calaca-tributeIsang araw ng pagpupugay para sa isang mahusay na pinuno ng bayan na nakatakdang magtapos ng kanyang ikatlo at huling termino bilang punongbayan ng bayan ng Calaca ang inihandog ng buong pamilya ng DepEd Calaca kay Mayor Nas Ona noong ika-14 ng Hunyo na ginanap sa Calaca Central School at dinaluhan ng may 400 mga guro mula sa pampubliko at maging pribadong paaralan sakop ng Calaca na pinamunuan ng mga school head at ng mahusay na pampurok na tagamasid na si Dr. Hermogenes Panganiban.

Read more...

 

School Supplies Handog ng ABK3 Leap sa Dalawang Barangay

News

Ni: Cristy V. Balitostos

abk3-school-suppliesSa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng Municipal Agriculture Office, ang  ABK3 Leap isang Child Fund Foundation / Non Government Organization, (NGO) ay naglunsad ng isang programa para mabigyang pansin ang kalagayan ng mga kabataang sa halip na nag-aaral at naglalaro ay nagtatrabaho sa tubuhan para sa pamilya.  Layunin ng foundation na maiangat ang pamumuhay at maipadama ang karapatan ng mga bata na matamasa ang buhay kabataan.  Sa tulong ng samahang ito nagsagawa ng isang preliminary survey na magbibigay ng sapat at tunay na impormasyon na makapagpapatunay na ang isang barangay ay magiging kwalipikadong taga-pakinabang ng proyekto.  Sa unang yugto ng survey nagkaroon ng 4 barangay na nakasama sa talaan ng may malaking bilang ng batang manggagawa o Child Labor, isang bagay na hindi pinapahintulutan ng batas na gamitin ang mga kabataan sa paghahanap-buhay.  Kabilang dito ang Barangay Calantas, Coral ni Lopez, Timbain, Pantay, at Cahil.  Sa masusing pangangalap ng datus at impormasyon mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, dalawa (2) sa mga nabanggit na barangay ang nakasama sa talaan na bibigyan ng tulong pang edukasyon.

Read more...

 
More Articles...