|
Mayor Nas Ona, Bagong Chairman ng Boy Scout of the Philippines (BSP) Batangas Council |
|
News
|
|
(Dati ang Lolo... Ngayon ang Apo) Ni: Lorena C. Casanova Sa layuning mabigyang halaga ang pagtatayo ng panibagong tatsulok na magbibigay kulay sa Scouting Movement Southern Tagalog, nagkaroon ng halalan noong ika-25 ng Marso 2008 sa BSP Head Quarters, Hill Top, Batangas City. Nilahukan ito ng mga delegado mula sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas. Isa sa mga naging delegado ay si Mayor Nas Ona, na siyang naihalal ng kanyang mga kasamahang delegado bilang Provincial Chairman ng Boy Scout of the Philippines, Batangas Council.
Madamdamin ang ibinigay ni Mayor Ona na mensahe ng pagtanggap sa tungkulin bilang bagong tagapamuno ng BSP Council ng Lalawigan ng Batangas. Binalikan niya sa alaala ang nakaraan kung saan ang kanyang namayapang lolo na may pangalang Dr. Leonardo H. Ona, dating Mayor ng Bayan ng San Jose, Batangas ay naluklok din sa parehong posisyon at nagsilbing isa sa mga haligi ng organisasyon ng BSP noong kanyang kapanahunan. Bilang bagong halal na Council Chairman, nagpahayag si Mayor Ona ng kahandaang harapin ang hamon ng panahon sa pagpapatuloy ng pagpapalaganap ng mga adhikain ng Boy Scouts of the Philippines. Lingid sa kaalaman ng marami, bago pa man nanungkulan bilang Punumbayan, isa nang aktibong direktor ng nasabing samahan si Mayor Nas. Isa rin ang samahang BSP sa mga humubog sa kanya mula sa kanyang pagkabata upang maging huwarang indibidwal at lingkod bayan. Isinagawa ang pormal na panunumpa ng bagong pangulo ng BSP noong Marso 26, 2008 kinabukasan matapos ang halalan sa nasabing lugar. |