varietyshow09 xmasfest0902 childrensday11 opening09 moderndance06 cookfest07 karambola02 newtownhall01 newtownhall04 childrensday07 calacatchara_2009 gemmh foklorico02 inauguration_2010_09 GamitMo_SagotKo_2010_04
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
Suez Tractebel S.A., Nanalo sa Bidding ng NPC-BCFTPP; Dumating sa Calaca
News

Masigla ang naging pagtanggap at pagsalubong ng sambayanang Calaqueño sa pamunuan ng Suez Tractebel S.A., Calaca Holdco, Inc. at Power Sector Asset and Liabilities Management (PSALM) noong ika-12 ng Nobyembre 2007.

Ang PSALM ang sangay ng pamahalaan na namahala sa pagsasa-pribado ng National Power Corporation  Batangas Coal-Fired Thermal Power Plant (NPC-BCFTPP) sa Bayan ng Calaca, ang Calaca HoldCo Inc. ang kumpanyang naging  daan sa paglahok sa bidding ng Suez Tractebel S.A., at ang Suez Tractebel ang nanalo sa ginawang bidding ng NPC-BCFTPP noong ika-16 ng Oktubre 2007.  Kabilang sa mga naging panauhin sina Mr. Ramani Hariharan, Senior Vice President ng Suez Tractebel S.A., G. John Guidry, CEO ng Calaca Holdco, Inc., G. Jose C. Ibazeta, PSALM President and CEO at G. Froilan Tampinco, PSALM Vice President.

Pagbaba sa NPC-BCFTPP mula sa kulay orange na helicopter ng mga panauhin, sinalubong sila ng mga magagarang sasakyan ng mga kinatawan ng pribado at pangkalakang sektor sa bayan ng Calaca, kasama ang mga opisyales ng pamahalaang bayan.  Isang sorpresang pagsalubong naman ang nakahanda sa kanilang pagdating sa bulwagang pambayan.  May dekorasyong maliliit na bandera ng Pilipinas at France (ang bansang pinagmulan ng Suez Tractebel S.A.). Nagsalimbayan ang tugtog ng mga drum and lyre bands mula sa Dacanlao G. Agoncillo Elementary School at Calaca Academy. Mga mag-aaral ng Dacanlao Elementary School, kung saan matatagpuan ang NPC-BCFTPP, ang nagsabit ng flower leis sa mga panauhin.  Naghihintay rin sa grupo ang mga nanunungkulan sa 40 barangay sa buong bayan, mga mag-aaral ng Dacanlao, mga punong guro ng mga pampublikong paaralan, mga kinatawan ng Non-Government Organizations at National Government Agencies, at mga kawani ng pamahalaang bayan ng Calaca.

Pagkatapos ng maikling programa ng pagtanggap, nagkaroon ng audio-visual presentation tungkol sa malawak na operasyon ng Suez Tractebel S.A. sa iba’t ibang dako ng mundo.  Nagpahayag din ang pamunuan ng kumpanya ng kanilang kahandaang makiisa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad ng kaukulang buwis at pagpapalaganap ng operasyong hindi makakapinsala sa kalikasan at sa mga mamamayan ng Calaca.

Nagtungo rin ang mga panauhin sa Tanggapan ng Punong Lalawigan Rosa Vilma Santos-Recto kasama ang Punumbayan Mayor Sofronio “Nas” C. Ona, Pangalawang Punungbayan Lordilando DM. Atienza at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Calaca.

Nanalo ang SUEZ Tractebel S.A. sa bidding ng 600-megawatt NPC-BCFTPP sa pamamagitan ng kanilang bid na $786.527 Million.  Inaasahan ang ganap na pagsasalin ng pag-aari at operasyon ng nasabing power plant sa susunod na taon. 

 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < July 2010 > »
S M T W T F S
27 28 29 30 1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
No events

You Are Visitor

We have 134 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola