inauguration10 offroad05 inauguration15 inauguration_2010_01 concert03 brgy.pob4_01 inauguration_2010_12 europe_2010_39 streetdance08 msgay12 europe_2010_52 cong_ermita_pc-distribution_08 europe_2010_73 lmp-batangas_induction_2010_21 cong_ermita_pc-distribution_11
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS
HOME arrow LOCAL GOVERNMENT arrow Mission, Vision & Goal

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
ILANG LUGAR SA CALACA SINALANTA NG BAGYONG BASYANG
News

Ni: Liza Lorena C. Casanova

 

typhoonbasyang_01.jpgHulyo 15, 2010, biglaan ang pananalanta ng bagyong Basyang sa ilang mga barangay sa bayan ng Calaca partikular sa mga coastal barangays at mga taniman sa kabukiran. Ayon sa panayam ng mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Information Office at Municipal Engineering office, tatlong (3) tahanan ang totally damaged, isa (1) sa barangay Salong na pag-aari ni G. Raymundo Marquez at dalawa (2) mula sa barangay Camastilisan, isang pag-aari ni G. Dondon Noche at isa ay kina Gng. Rochelle Aporgo. Sinasabing ang pagkawasak ng mga tahanan ay dahil sa pagbagsak ng mga punongkahoy. Samantala, may kabuuang siyam (9) na tahanan naman ang naitalang partially damaged dahilan sa pagkalipad ng mga bubong sanhi ng malakas at biglaang hagupit ni bagyong Basyang. Ang pito (7) dito ay matatagpuan sa barangay Salong na pag-aari nina Madelaine Legarte, Lucio De Gala, Ramon Riosa, Angelus De Gala, Librada Castillo, Mary Ann Gutierez at Mercy Talaoc. typhoonbasyang_02.jpgIsang (1) tahanan mula sa barangay Camastilisan na pag-aari ni Mary Jane Valencia  at isa (1) sa barangay Lumbang Calzada na pag-aari naman ni Maria Macatigbak. Ilang mga imprastraktura ang naapektuhan pa rin ng bagyo sa nasabing bayan. Una na dito ay ang pagkawasak o pagguho ng tulay sa pagitan ng bayan ng Calaca at bayan ng Lemery na kung tawagin ay Sinisian Bridge. Isang malaking pinsala ang dulot nito hindi lamang sa bayan ng Calaca kundi maging sa mga dumadaan dito sanhi ng pagka-antala ng byahe.

 

Ilang mga paaralan din ang naapektuhan katulad ng pagguho ng bakod sa Dacanlao Gregorio Agoncillo Memorial National High School, pagkalipad ng bubong ng Talisay Primary School sa Barangay Talisay  at ang pagkasira ng bubong ng ilang silid-aralan sa Calaca Central School dulot ng pagbagsak ng punongkahoy.

typhoonbasyang_03.jpg typhoonbasyang_04.jpg

Ayon naman sa pag-iikot ng mga kawani ng tanggapan ng Pambayang Agrikultor, tinatayang siyamnapung porsyento (90%) ng mga pananim partikular ang mais, palay at halamang gulay ang napinsala ng bagyo. Inaasahang limampung porsyento (50%) ang makakabangon subalit ito ay hindi masasabing tuwirang mapapakinabangan. Dahil sa mga nasabing kapinsalaan kaagad na umisip at kumalap ang lokal na pamahalaan ng Calaca ng mga pamamaraan kung paano ibabangon at isasalba ang mga mamamayan sa nasabing mga kapahamakang dulot ng kalamidad.

 

Tinatayang nasa Php 8,400,000.00 ang kabuang halaga ng danyos ng bagyong ito sa mga pampublikong istraktura at imprastraktura habang may kabuang halaga naman na Php 480,000.00 sa sektor ng agrikultura.

 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < September 2010 > »
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2
No events

You Are Visitor

We have 16 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola