Hulyo 15, 2010, biglaan
ang pananalanta ng bagyong Basyang sa ilang mga barangay sa bayan ng Calaca
partikular sa mga coastal barangays at mga taniman sa kabukiran. Ayon sa panayam
ng mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal
Information Office at Municipal Engineering office, tatlong (3) tahanan ang
totally damaged, isa (1) sa barangay Salong na pag-aari ni G. Raymundo Marquez
at dalawa (2) mula sa barangay Camastilisan, isang pag-aari ni G. Dondon Noche at
isa ay kina Gng. Rochelle Aporgo. Sinasabing ang pagkawasak ng mga tahanan ay dahil
sa pagbagsak ng mga punongkahoy. Samantala, may kabuuang siyam (9) na tahanan
naman ang naitalang partially damaged dahilan sa pagkalipad ng mga bubong sanhi
ng malakas at biglaang hagupit ni bagyong Basyang. Ang pito (7) dito ay
matatagpuan sa barangay Salong na pag-aari nina Madelaine Legarte, Lucio De
Gala, Ramon Riosa, Angelus De Gala, Librada Castillo, Mary Ann Gutierez at
Mercy Talaoc. Isang (1) tahanan mula sa barangay Camastilisan na pag-aari ni
Mary Jane Valenciaat isa (1) sa barangay Lumbang Calzada na
pag-aari naman ni Maria Macatigbak. Ilang mga imprastraktura ang naapektuhan pa
rin ng bagyo sa nasabing bayan. Una na dito ay ang pagkawasak o pagguho ng
tulay sa pagitan ng bayan ng Calaca at bayan ng Lemery na kung tawagin ay SinisianBridge. Isang malaking pinsala ang dulot
nito hindi lamang sa bayan ng Calaca kundi maging sa mga dumadaan dito sanhi ng
pagka-antala ng byahe.
Ilang mga paaralan din
ang naapektuhan katulad ng pagguho ng bakod sa Dacanlao Gregorio Agoncillo
Memorial National High School, pagkalipad ng bubong ng Talisay Primary School
sa Barangay Talisayat ang pagkasira ng
bubong ng ilang silid-aralan sa Calaca Central School dulot ng pagbagsak ng
punongkahoy.
Ayon naman sa
pag-iikot ng mga kawani ng tanggapan ng Pambayang Agrikultor, tinatayang siyamnapung
porsyento (90%) ng mga pananim partikular ang mais, palay at halamang gulay ang
napinsala ng bagyo. Inaasahang limampung porsyento (50%) ang makakabangon
subalit ito ay hindi masasabing tuwirang mapapakinabangan. Dahil sa mga nasabing
kapinsalaan kaagad na umisip at kumalap ang lokal na pamahalaan ng Calaca ng
mga pamamaraan kung paano ibabangon at isasalba ang mga mamamayan sa nasabing
mga kapahamakang dulot ng kalamidad.
Tinatayang nasa Php
8,400,000.00 ang kabuang halaga ng danyos ng bagyong ito sa mga pampublikong
istraktura at imprastraktura habang may kabuang halaga naman na Php 480,000.00sa sektor ng agrikultura.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."