europe_2010_86 istasyonngkrus_1004 europe_2010_103 irm ladycatherine europe_2010_42 childrensday17 europe_2010_100 lmp-batangas_induction_2010_77 istasyonngkrus_1003 europe_2010_36 lmp-batangas_induction_2010_93 concert06 opening04 foklorico04
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS
HOME arrow INFORMATION arrow NGO's arrow ARMY WORMS, Umatake sa mga taniman sa bayan ng Calaca

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
ARMY WORMS, Umatake sa mga taniman sa bayan ng Calaca
News

Ni: Cristy Balitustos

 

armyworm_01.jpgLubhang naalarma ang mga magsasaka sa bayan ng Calaca dahil sa pananalasa ng Army Worms sa mga taniman partikular sa halamang kapamilya ng mais. Ang army worm ay larvae stage ng isang moth o gamu-gamo. Ayon sa paliwanag ng Regional Crop Protection Center (RCPC) na gumawa ng pagsusuri sa nasabing peste, tinawag itong Army Worm dahil sa sumasalakay ito na may kasamang isang grupo o batalyon sa isang taniman at kagyat na lumilipat sa karatig na mga tanim matapos ang pananalasa.

 

Unang namataan ang mga insektong ito noong ika-1 ng Hulyo sa barangay Makina at nasundan ng parehong ulat sa barangay Dila. Bilang tugon agad nagsagawa ng pag-bisita sina Jay Atienza, Jovi Mercado, Cristy Balitustos, Joel Cabello, Rustico Marquina na mga empleyado sa tanggapan ng Pambayang Agrikultor kasama si Taciana Bitang mula sa Office of the Provincial Agriculture. Tiniyak kung anong klase ng uod at ang pag-atake nito o pagsira sa pananim. Nagsagawa sila ng biological method o natural na pamamaraan kung saan matitigil na ang pamumuksa sa pamamagitan nito. Inirekomenda rin ang paggamit  ng lason o pesticide para sa agarang pagpuksa ng insekto. Kaagad ding ipinarating ang suliranin sa tanggapan ng Punumbayan at Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor. Ikinonsulta din ito sa mga pesticide company tulad ng (Syngenta Philippines) para sa angkop na pestisidyo na makapupuksa sa nasabing insekto.

 

armyworm_02.jpgNoong ika- 6 ng Hulyo taong kasalukuyan, dumating sa bayan ng Calaca ang mga kinatawan ng RCPC upang siyasatin ang naging suliranin sa uod. Sa kanilang pakikipagpanayam sa Municipal Agriculturist, Agricultural Technicians, Municipal Administrator at ilang magsasaka, ipinaliwanag nila ang ikot ng buhay ng uod at kung saang estado ito lubhang mapanganib sa halaman, gayun din kung ano ang dapat maging hakbang ng mga magsasaka. Kaagad na naglaan ng pondo ang pamahalaang lokal ng Calaca upang makabili ng lason na ipinamahagi sa bawat barangay na apektado. Batay sa pagsusuri ng mga kawani ng Pambayang Agrikultor tinatayang nasa mahigit na 60% ng kabuuang lawak ng taniman sa bawat barangay ang apektado sa pananalasa ng pesteng uod. At habang sinusulat ang ulat na ito, may kabuuang tala ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na 24 na barangay na lubhang apektado ng nasabing peste at patuloy na tinutugunan ang pestisidyong kailangan ng mga magsasaka.

armyworm_03.jpg armyworm_04.jpg

 

 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < September 2010 > »
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2
No events

You Are Visitor

We have 17 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola