Lubhang naalarma ang
mga magsasaka sa bayan ng Calaca dahil sa pananalasa ng Army Worms sa mga
taniman partikular sa halamang kapamilya ng mais. Ang army worm ay larvae stage
ng isang moth o gamu-gamo. Ayon sa
paliwanag ng Regional Crop Protection
Center (RCPC) na gumawa ng pagsusuri sa nasabing peste, tinawag itong Army Worm dahil sa sumasalakay ito na
may kasamang isang grupo o batalyon sa isang taniman at kagyat na lumilipat sa karatig
na mga tanim matapos ang pananalasa.
Unang namataan ang
mga insektong ito noong ika-1 ng Hulyo sa barangay Makina at nasundan ng
parehong ulat sa barangay Dila. Bilang tugon agad nagsagawa ng pag-bisita sina
Jay Atienza, Jovi Mercado, Cristy Balitustos, Joel Cabello, Rustico Marquina na
mga empleyado sa tanggapan ng Pambayang Agrikultor kasama si Taciana Bitang
mula sa Office of the Provincial
Agriculture. Tiniyak kung anong klase ng uod at ang pag-atake nito o pagsira
sa pananim. Nagsagawa sila ng biological
method o natural na pamamaraan kung saan matitigil na ang pamumuksa sa
pamamagitan nito. Inirekomenda rin ang paggamit ng lason o pesticide
para sa agarang pagpuksa ng insekto. Kaagad ding ipinarating ang suliranin sa
tanggapan ng Punumbayan at Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor. Ikinonsulta
din ito sa mga pesticide company tulad
ng (Syngenta Philippines) para sa angkop na
pestisidyo na makapupuksa sa nasabing insekto.
Noong ika- 6 ng
Hulyo taong kasalukuyan, dumating sa bayan ng Calaca ang mga kinatawan ng RCPC upang siyasatin ang naging
suliranin sa uod. Sa kanilang pakikipagpanayam sa Municipal Agriculturist, Agricultural
Technicians, Municipal Administrator at
ilang magsasaka, ipinaliwanag nila ang ikot ng buhay ng uod at kung saang estado
ito lubhang mapanganib sa halaman, gayun din kung ano ang dapat maging hakbang
ng mga magsasaka. Kaagad na naglaan ng pondo ang pamahalaang lokal ng Calaca
upang makabili ng lason na ipinamahagi sa bawat barangay na apektado. Batay sa
pagsusuri ng mga kawani ng Pambayang Agrikultor tinatayang nasa mahigit na 60%
ng kabuuang lawak ng taniman sa bawat barangay ang apektado sa pananalasa ng
pesteng uod. At habang sinusulat ang ulat na ito, may kabuuang tala ang
Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na 24 na barangay na lubhang apektado ng
nasabing peste at patuloy na tinutugunan ang pestisidyong kailangan ng mga magsasaka.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."