pawikan_moa_signing_16 bbatgcalaca20 mseac_2010_08 bestfloat02 europe_2010_31 seniorcitizen04 childrensday19 europe_2010_49 cookfest03 offroad03 lmp-batangas_induction_2010_51 streetdance08 brgy.pob5 lmp-batangas_induction_2010_28 msgay10
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS
HOME arrow ABOUT CALACA arrow 2010 ONA-ATIENZA INTER-BARANGAY SPORTS LEAGUE

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
2010 ONA-ATIENZA INTER-BARANGAY SPORTS LEAGUE
News
ona-atienza-league_2010_01.jpgNoong ika-3 ng Hulyo 2010 binuksan ang ONA-ATIENZA INTER-BARANGAY SPORTS LEAGUE. Sinimulan  ito sa pamamagitan ng parada mula sa harap ng pamahalaang bayan patungong municipal gymnasium na pinangunahan ni Vice-Mayor Larry Atienza at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Binubuo ng dalawampung (20) koponan ang lumahok sa basketball na kinabibilangan ng Camastilisan, Lumbang Calzada, Madalunot, Poblacion 1- 6, Sinisian, Puting Bato East, Puting Kahoy, Talisay, Bagong Tubig, Quizumbing, Calantas, Coral ni Lopez at Timbain at ng naimbitahang Calaca LGU. Mayroon namang sampung (10) koponan ang sumali sa palarong softball. Kinabibilangan ito ng team ng Dacanlao, Dila, Lumbang na Bata, Madalunot, Matipok, Pantay, Niyugan, Puting Kahoy, Sitio Bancoro ng Barangay Timbain at Calaca LGU.
ona-atienza-league_2010_02.jpg ona-atienza-league_2010_03.jpg

Matapos ang parada ay idinaos ang simpleng programa sa municipal gymnasium. Isa-isang naghatid ng mensahe ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan. Nakatawag pansin ang pagrampa ng mga naggagandahang muse na kumatawan sa bawat team. Napili bilang Ms. Basketball 2010 si Ciara M. De Joya mula sa Poblacion 1 at Ms. Softball 2010 si Sherry Rose G. Ecamina ng Lumbang na Bata. Nakamit naman ng koponan ng Quizumbing ang Best in Basketball Uniform at koponan ng Madalunot ang Best in Softball Uniform. Sa unang yugto ng larong basketball nagsagupaan ang koponan ng Camastilisan vs Sinisian sa first game kung saan nanalo ang Camastilisan. Sa second game naman ay LGU vs Poblacion 2 na pinagwagian ng huli at sa 3rd game ay nagsagupaan  ang Lumbang Calzada at Puting Bato East at nasungkit ng Puting Bato East ang panalo. Kinabukasan ay nagsimula ang sagupaan sa larong softball kung saan ang bawat team ay nabigyan ng pagkakataong makapaglaro.

ona-atienza-league_2010_04.jpg ona-atienza-league_2010_05.jpg

Naging matagumpay ang pagbubukas ng palaro sa pagpupunyagi nina SK Federation President Emilyn D. Alcazar bilang Chairman ng SB Committee on Youth & Sports Development at Konsehal Robenson Sale bilang Vice-Chairman. Buong pwersa naman itong sinuportahan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Larry Atienza katulong ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan.

 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < September 2010 > »
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2
No events

You Are Visitor

We have 20 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola