Noong ika-3 ng Hulyo 2010 binuksan ang
ONA-ATIENZA INTER-BARANGAY SPORTS LEAGUE. Sinimulanito sa pamamagitan ng parada mula sa harap ng
pamahalaang bayan patungong municipal gymnasium na pinangunahan ni Vice-Mayor
Larry Atienza at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Binubuo ng dalawampung
(20) koponan ang lumahok sa basketball na kinabibilangan ng Camastilisan,
Lumbang Calzada, Madalunot, Poblacion 1- 6, Sinisian, Puting Bato East, Puting
Kahoy, Talisay, Bagong Tubig, Quizumbing, Calantas, Coral ni Lopez at Timbain
at ng naimbitahang Calaca LGU. Mayroon namang sampung (10) koponan ang sumali
sa palarong softball. Kinabibilangan ito ng team
ng Dacanlao, Dila, Lumbang na Bata, Madalunot, Matipok, Pantay, Niyugan, Puting
Kahoy, Sitio Bancoro ng Barangay Timbain at Calaca LGU.
Matapos ang parada ay idinaos ang simpleng programa sa
municipal gymnasium. Isa-isang naghatid ng mensahe ang mga opisyales ng lokal
na pamahalaan. Nakatawag pansin ang pagrampa ng mga naggagandahang muse na kumatawan sa bawat team. Napili bilang Ms. Basketball 2010 si Ciara M. De Joya mula sa Poblacion 1 at Ms. Softball 2010 si Sherry Rose G.
Ecamina ng Lumbang na Bata. Nakamit naman ng koponan ng Quizumbing ang Best in Basketball Uniform at koponan ng
Madalunot ang Best in Softball Uniform.
Sa unang yugto ng larong basketball nagsagupaan ang koponan ng Camastilisan vs
Sinisian sa first game kung saan nanalo ang Camastilisan. Sa second game naman
ay LGU vs Poblacion 2 na pinagwagian ng huli at sa 3rd game ay
nagsagupaan ang Lumbang Calzada at
Puting Bato East at nasungkit ng Puting Bato East ang panalo. Kinabukasan ay
nagsimula ang sagupaan sa larong softball kung saan ang bawat team ay nabigyan
ng pagkakataong makapaglaro.
Naging matagumpay ang pagbubukas ng palaro sa pagpupunyagi
nina SK Federation President Emilyn D. Alcazar bilang Chairman ng SB Committee
on Youth & Sports Development at Konsehal Robenson Sale bilang
Vice-Chairman. Buong pwersa naman itong sinuportahan ng mga miyembro ng
Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Larry Atienza katulong ang ilang
kawani ng lokal na pamahalaan.
Panahon na naman ng eleksyon,
marami na naman tayong kaibigan na gumagala sa mga bahay-bahay. Karamihan sa
mga ito ay palakaway, palakamay at palaakbay. Lahat sila’y tila ba
pinakamabuting tao na dapat ihalal at sa bawat pisil sa pagdampi ng kanilang
mga kamay ay isang biyaya na dapat agad sunggaban. Sa mga tarhetang kanilang
iniaabot kasama ang ilang pirasong kendi para sa mga botante ay pampalaway ay
para bang nagsasabing kasing tamis nito angserbisyonghandang ibigay. Sa
kanilang posters at campaign materials na sa mga pader, poste at punungkahoy ay
nakasabit, nakasulat walang kamatayang
slogan ng partido pulitikal o mga nakalulululang pang-uri na naglalarawan sa
kanilang adhika. Katabi ng mga ito nakabalandra nilang matamis na ngiti at sa
ibaba nakasulat ngalan ng kandidato na para bang nagsasabing iboto mo ako
problema mo’y mapapawi handang lingapin ang pusong sawi.
"KALUSUGAN
AY ALAGAAN UPANG ATAKE SA PUSO AY MAIWASAN"
Fasting Blood Sugar, Total Cholesterol,
Triglycerides, HDL (Good Cholesterol), LDL (Bad Cholesterol), Uric Acid on
September 1, 2010, Wednesday at 6:00 AM to 10:00 AM only in Calaca Rural Health
Unit I.
Note: 10 to 12 hours fasting Please bring P220.00 for the laboratory fee.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."