iglesia europe_2010_102 lmp-batangas_induction_2010_45 cahil02 europe_2010_44 inauguration24 bbatgcalaca22 lmp-batangas_induction_2010_82 lmp-batangas_induction_2010_27 europe_2010_45 europe_2010_20 mseac_2010_10 europe_2010_107 offroad04 europe_2010_79
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS
HOME arrow INFORMATION arrow Jobs arrow INAGURASYON NG MGA BAGONG HALAL: ISANG BAGONG YUGTO SA KASAYSAYAN

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
INAGURASYON NG MGA BAGONG HALAL: ISANG BAGONG YUGTO SA KASAYSAYAN
News
inauguration_2010_03.jpgIka-30 ng Hunyo 2010, ginanap ang Inauguration Ceremony kung saan nanumpa sa tungkulin ang mga nombrang opisyales ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kgg. Sofronio C. Ona Jr., bilang alkalde kasama si Kgg. Lordilando DM. Atienza sa pagka-Pangalawang Punumbayan at ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Anselmo (Elmie) Macalindong, Deovic (Deo) Ontangco, Luis (Chito) Macalalad, Niño Glenn Matulac, Robenson (Beson) Sale, Brigido (Berling) Casanova at Robert Salazar. Sila ang bumubuo sa grupong nagtala sa kasaysayan ng Bayan ng Calaca ng kauna-unahang pagkapanalo ng 10-0 ng isang partido. Buong puwersa naman ang suportang ipinadama ng sambayanang Calaqueño na nagbigay sa kanila ng solid vote at nagluklok sa kanilang lahat sa puwesto.
 

inauguration_2010_04.jpgAng mahalagang okasyon ay sinimulan sa pamamagitan ng paghahain ng banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Aurelio Oscar Dimaapi, Kura Paroko ng Parokya ng San Raphael Arkanghel. Sinundan ito ng programa sa bulwagan ng pamahalaang lokal. Ang Inter Faith Prayer Service na pinangunahan ng mga pastor mula sa iba’t ibang sektang pang-relihiyon ang naging bungad ng programa, kasunod ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa pangunguna ni Roxanne Macatigbak na isa sa ONA Scholars. Ang panunumpa ng mga halal ay sunod na isinagawa kung saan naunang nanumpa si Mayor Sofronio C. Ona, Jr. kasama ang kanyang pamilya sa harap ng pambayang hukom na si Judge Vicente V. Montes, kaharap ang banal na kasulatan bilang simbolo ng maka-Diyos na paglilingkod. Ito ay dala-dala ni Francheska Paula Casanova, bunsong anak ng dating alkalde, ang namayapang Fiscal Nemesio V. Casanova (Local Chairman of LAKAS KAMPI-CMD). Nanumpa naman sa harap ng Punumbayan at ng taumbayan sina Vice-Mayor Lordilando DM. Atienza at ang mga nanalong konsehal kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Ang pagpapakawala naman ng mga lobo ay isinagawa sa labas ng gusali na siyang simbolo sa pag-abot sa matayog na pangarap at masusing tagumpay sa patuloy pang pag-angat at pag-unlad ng minamahal na Bayang Calaca.

 

inauguration_2010_05.jpgSa nasabing okasyon ay naging panauhin si dating Executive Secretary Eduardo R. Ermita at si Mr. Meynard Melo na siyang kinatawan ng Gobernador ng Lalawigan ng Batangas, Vilma Santos Recto. Bukod dito, dumating din ang mga locators o representante ng mga private sector at establisyemento sa bayan ng Calaca.  Ang pamilyang DepEd, Training Team ng Boyscout of the Philippines, Batangas Council, mga opisyales ng barangay at LUNAS Volunteer Workers ay naging saksi din sa makasaysayang kaganapan. Nagbigay kulay din sa mga kaganapan ang paghahandog ng espesyal na bilang ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at ng mga ONA Scholars.

inauguration_2010_07.jpg inauguration_2010_12.jpg

Matapos ang programa, tinungo ng mga dumalo ang hapag upang bigyang daan ang simpleng salu-salo. Ganap na ika-1:00 ng hapon isinagawa ang Inaugural Session sa Municipal Session Hall kung saan ay ito ang pinaka-unang session o pagpupulong ng mga nanumpang opisyales sa pagsisimula ng kanilang tungkulin. Nagbahagi din ng mensahe ang Punumbayan tungkol sa mga programang nais niyang ipatupad sa kanyang huling termino sa pakikipagtulungan ng buong puwersa ng Sangguniang Bayan. Buong tagumpay na naisakatuparan ang mga kaganapan sa pagpupunyagi ng mga kawani ng lokal na pamahalaan. Saksihan ang nasabing pangyayari sa mga larawan sa Inauguration 2010 album ng ating Gallery .

 
< Prev   Next >

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < September 2010 > »
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2
No events

You Are Visitor

We have 18 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola