Muling namahagi ng school supplies sa mga
mag-aaral ng pampublikong paaralan sa buong bayan ang pamahalaang Lokal ng
Calaca sa pamumuno ni Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza kasama ang
buong pwersa ng Sangguniang Bayan sa pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Hunyo ng
taong kasalukuyan.
Tinatayang nasa humigit kumulang 15,000 mag-aaral sa
pre-elem, elementary at secondary ang nabiyayaang muli ng libreng mga kwaderno,
ballpen, lapis at iba pang mga gamit na pang-eskwela. Pinondohan ang nasabing
mga gamit ng kabuuang halagang P15 million mula sa Pambayang Pondo bilang isang
prayoridad ng kasalukuyang administrasyon upang unti-unting maitaas ang kalidad
ng edukasyon sa bayan ng Calaca. Hangad din ng kasalukuyang administrasyon na
matulungan ang mga magulangna matugunan
ang mga gamit ng kanilang mga estudyante nang hindi na kailangang gumastos. Malaki naman ang pasasalamat ng mga magulang at guro sa biyayang muli na naman
nilang natanggap mula sa Lokal na Pamahalaan.
Inaasahan
na ang mga ganitong kapakinabangan ay magpapatuloy hanggang nanunungkulan
angmga tapat na lingkod ng bayan ng
Calaca. Saksihan ang iba pang mga larawan sa kaganapang ito sa Activities & Events ng ating Gallery .
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."