Muling nagsagawa ng magkasunod na Blood Donation Program ang
Tanggapan ng Pambayang Kalusugan noong ika-9 ng Pebrero 2010 sa Barangay
Quizumbing at muling nasundan noong ika-16 ng Pebrero 2010 na ginanap naman sa
nasabing tanggapan na naglalayong makapag-pondo ng dugo para sa mga kababayan.
Kaugnay nito, nagkaroon ng labing tatlong (13) blood donors
mula sa Barangay Quizumbing para sa pagsasagawa ng programa sa taong ito at
talumpu (30) naman sa ikalawang bahagi mula sa Barangay Lumbang na Matanda,
Barangay Puting Bato West, Barangay Niyugan, Barangay Quizumbing at ilan sa
kawani ng Pamahalaang Lokal. Kahanga-hanga ang ipinamalas ng mga taong ito na
buong pusong inialay ang kanilang dugo upang maisalba ang buhay ng kapwang nangangailangan.
Ang
mga nakolektang dugo ay iniimbak sa Batangas Regional Hospital Blood Bank
Department na siyang magiging pondo para sa mga nangangailangang taga-Calaca sa
pakikipag-ugnayan sa tanggapan g Pambayang Kalusugan. Naging kaisa din sa
gawaing ito ang grupo ng SANDUGO na kinabibilangan ng ilang kawani ng Panlalawigang
Kalusugan na laging handang maglingkod sa sambayanang Calaqueño.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."