Naging maayos ang muling paglulunsad ng ONE STOP SHOP para sa mga nagbayad ng buwis, kumuha at nag-renew ng Business Permit sa bayan ng Calaca noong buwan
ng Enero 2010. Naging kaalwanan din ito sa lahat ng taong may transaksyon sa
lokal na pamahalaan dahil nakapuwesto sa isang lugar lang ang mga tanggapan na
may direktang kaugnayan sa One stop Shop. Ang Business Permits and Licensing
Office ay isa sa mga tanggapan na naging abala sa nasabing gawain kung
saan nakakolekta sila ng P32,400.00 (amusement tax), P 4,104,043.00 (Municipal Business Tax), P 2,907.50 (Fines and Penalties) at P 406,920.48 (Permit Fees). Naging aktibo
rin ang Fire Department, Engineering, Municipal Health at Treasury Office sa
nasabing gawain. Naging positibo naman ang resulta ng programa sa kinauukulan
at umabot sa P13,898,441.81 ang halagang nakolekta ng Tanggapan ng Pambayang
Ingat-Yaman mula sa real property taxes mula Enero 4 hanggang Enero 29. Ang
nasabing halaga ay hahati-hatiin sa iba’t ibang sektor ng lokal na pamahalaan gaya ng sumusunod: P 7,888,566.03 sa bayan ng Calaca bilang
Municipal Share, P 1,852,232.05 ang
Special Education Fund Share at P 926,116.02
bilang Barangay Share na may kabuuang P
10,666,914.10. Ang iba pang halaga na hindi nabanggit sa ulat ay mapupunta
naman sa Panlalawigang Ingat-Yaman bilang provincial share. Naging madali naman
ang pagkolekta ng mga tanggapang may kaugnayan sa pagbabayad ng tax sapagkat
kusang pumupunta ang mga tax payers sa pamahalaan bayan upang magbayad.
Nagpapakita ito na ang mga Calaqueño ay disiplinadong mamamayan. Dahil na rin
sa bawat sentimo na kanilang ibinabayad ay may magandang kinalalagyan na nakikita ng mga taumbayan.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."