msgay10 bankarera08 cookfest01 bankarera09 childrensday10 decobooth02 palaspas0803 xmasfest0909 msgay06 inauguration23 streetdance07 carreradepaso0805 varietyshow04 brgy.camastilisan01 decobooth10
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS
HOME

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
 


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Friendster Logo
 
LGU - Calaca YouTube Videos
  gov.jpg
 
  wikipilipinas.jpg
 
  Jobstreet Philippines
 
Please Help Reshape
 
Pinay
 
The Filipina Image Online
 
 Buy and Sell Philippines

Polls

What do you think of our website?
 
Advertisement

fire_prevention_2010.jpg
MAGDIWANG CALAQUEÑO, ISANG TAON NA PO TAYO SA BAGONG MUNISIPYO
News

Ni: Liza Lorena C. Casanova

 

munhallanniv01.jpgEnero 26, 2010, masiglang ipinagdiwang ng buong pamilya ng pamahalaang lokal ang ika-1 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng bagong bahay-pamahalaan. Pinasimulan ang okasyon sa pamamagitan ng paghahain ng banal na misa ng pasasalamat, ganap na ika-8:00 ng umaga sa bulwagan ng gusali na pinangunahan ni Rev. Fr.  Simplicio Datingginoo. Sinundan ito ng pagsindi sa mga paputok at pagpapakawala ng mga balloons bilang hudyat ng pagdiriwang. Kagunay nito, ginanap ang simpleng palatuntunan sa harap ng gusali na sinaksihan ng mamamayang Calaqueño partikular ang mga opisyales at kawani ng lokal na pamahalaan gayundin ng mga opisyales ng barangay at mga LUNAS Volunteer Workers.
munhallanniv02.jpg munhallanniv03.jpg
munhallanniv04.jpg munhallanniv05.jpg

Naghatid ng makabuluhang mensahe ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza. Samantala, binigyang daan naman ang pagdating at paghahatid ng mensahe ng mahusay na Representante ng Unang Distrito ng Batangas, Kgg. Eileen Ermita-Buhain. Bukod sa mga mensaheng narinig sa mga nagsalita, nagbigay kasiyahan ang pampasiglang bilang mula kay Roxanne Makatigbak, isa sa mga ONA Scholars at mga kawani ng lokal na pamahalaan. Ipinakita rin sa isang video presentation ang lahat ng kaganapan, programa at proyektong naisakatuparan ng pamahalaang bayan sa buong isang taon. Bagaman isang taon pa lamang ang pinaglakaran o ang pananatili sa bagong munisipyo halos hindi na mapapantayan ang mga magagandang ala-alang naisagawa. Inaasahang ang lahat ng magagandang pangyayaring naganap ay patuloy pang magaganap habang ang administrasyon nina Mayor Nas Ona at Vice-Mayor Larry Atienza ay mananatiling nakaluklok sa tungkulin kasama ang mga taong patuloy na nakasuporta at nakatayo sa likod ng administrasyon.

munhallanniv06.jpg munhallanniv07.jpg
munhallanniv08.jpg munhallanniv09.jpg
Matapos ang maikling programa, nagkaroon ng pamamahagi ng honoraryum sa mga LUNAS Volunteer Workers para sa huling quarter ng taong 2009 na lalong ikinasiya ng mga volunteers.
 
< Prev   Next >

News Flash

SK Youth Camp…Idinaos sa Calaca

Ni Liza Lorena C. Casanova

 

Malaking pagtitipon ng mga kabataang Calaqueño ang ginanap noong ika-26 hanggang ika-27 ng Disyembre, 2009 sa pamahalaang bayan ng Calaca bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan. Humigit-kumulang sa apat na daang (400) kabataan ang dumalo mula sa apatnapung barangay sa bayan ng Calaca sa SK Youth Camp 2009 alinsunod sa ipinag-uutos ng Local Government Code RA 7160, Chapter 10, Section 439. Layunin nito na hikayatin ang mga kabataan na maging huwaran at mabuting lider. Bahagi nito, ang mga dumalo ay nagkaroon ng seminar workshop na may temang “Encounter of the Next Generation Leaders” kung saan iba’t ibang aktibidad ang itinuro sa kanila katulad ng pagkakakitaan o hanap-buhay, pangangalaga sa kapaligiran, pagpapahalaga sa kultura at sining, kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot, pagkakaroon ng libangan at laro na makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan. Maayos namang naunawaan ng mga dumalo ang nasabing mga paksa sa pamamagitan ng mahuhusay na tagapagsanay na sina Konsehal Deovic Ontangco, Konsehal Robenson Sale, Gng. Cristy Balitustos at G. Nickson Cuyom. Matagumpay na naisakatuparan ang programa sa pangunguna ni Kgg. Emilyn Alcazar, Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa pamamagitan ng mainit na suporta ni Mayor Nas Ona, Vice Mayor Larry Atienza mga miyembro ng Sangguniang Bayan (Magnificent Seven) at ng ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan. 

sk-youthcamp120901.jpg sk-youthcamp120902.jpg

 

 

Featured Article

NASusulat: Mapagmahal at Mapagpatawad ang Diyos

Ni: Ptr. Joel E. Betis, CMF

 

Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang maghari ang Diyos” Mateo 4:17

 

Ganun din naman madalas nating marinig ang katagang ito, “Ang paalala’y gamot sa taong nakakalimot”. Ang Biblia ay naglalaman ng mga paalala, isa na dito ang pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Paalala na wari ba’y ipinagwawalang bahala natin. Bilang mga tao, patuloy pa din tayo sa pag-iisip ng ‘di-maganda sa ating kapwa, pagsasalita ng masama at kung minsan o madalas paggawa ng hindi tama sa paningin ng tao lalo na sa paningin ng Diyos.
 
Read more...
 

Advisories

Election 2010 Gun Ban
  

pnplogo.giflogo.gifRepublic of the Philippines

National Police Commission

Philippine National Police

CALACA MUNICIPAL POLICE STATION

4212 Calaca, Batangas
 
  Dissemination of Information Operations Plan on Nationwide Firearms Ban Effective January 10, 2010 and Provisions of Security Detail (HOPE 2010) 
 
Read more...
 
VISIT CALACA!!!

Please click the maps below for a larger view.

calaca_tourism_map.jpg
calaca_route_map.jpg
Tourism Map Route Map
 
carreradepaso_2010.jpg

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA

mostoutstanding.jpg
Congratulations Mayor Nas!!!

Events Calendar

« < March 2010 > »
S M T W T F S
28 1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31 1 2 3
No events

Login


:  
   
Lost Password?

You Are Visitor

We have 23 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola