Enero
26, 2010, masiglang ipinagdiwang ng buong pamilya ng pamahalaang lokal ang
ika-1 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng bagong bahay-pamahalaan. Pinasimulan
ang okasyon sa pamamagitan ng paghahain ng banal na misa ng pasasalamat, ganap
na ika-8:00 ng umaga sa bulwagan ng gusali na pinangunahan ni Rev. Fr.Simplicio Datingginoo. Sinundan ito ng pagsindi
sa mga paputok at pagpapakawala ng mga balloons bilang hudyat ng pagdiriwang. Kagunay
nito, ginanap ang simpleng palatuntunan sa harap ng gusali na sinaksihan ng
mamamayang Calaqueño partikular ang mga opisyales at kawani ng lokal na
pamahalaan gayundin ng mga opisyales ng barangay at mga LUNAS Volunteer
Workers.
Naghatid ng makabuluhang mensahe ang mga opisyales ng lokal
na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Nas Ona at Vice Mayor Larry Atienza.
Samantala, binigyang daan naman ang pagdating at paghahatid ng mensahe ng
mahusay na Representante ng Unang Distrito ng Batangas, Kgg. Eileen
Ermita-Buhain. Bukod sa mga mensaheng narinig sa mga nagsalita, nagbigay
kasiyahan ang pampasiglang bilang mula kay Roxanne Makatigbak, isa sa mga ONA
Scholars at mga kawani ng lokal na pamahalaan. Ipinakita rin sa isang video
presentation ang lahat ng kaganapan, programa at proyektong naisakatuparan ng
pamahalaang bayan sa buong isang taon. Bagaman isang taon pa lamang ang
pinaglakaran o ang pananatili sa bagong munisipyo halos hindi na mapapantayan
ang mga magagandang ala-alang naisagawa. Inaasahang ang lahat ng magagandang
pangyayaring naganap ay patuloy pang magaganap habang ang administrasyon nina
Mayor Nas Ona at Vice-Mayor Larry Atienza ay mananatiling nakaluklok sa
tungkulin kasama ang mga taong patuloy na nakasuporta at nakatayo sa likod ng
administrasyon.
Matapos
ang maikling programa, nagkaroon ng pamamahagi ng honoraryum sa mga LUNAS
Volunteer Workers para sa huling quarter ng taong 2009 na lalong ikinasiya ng
mga volunteers.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."