Malaking pagtitipon ng mga kabataang Calaqueño ang ginanap
noong ika-26 hanggang ika-27 ng Disyembre, 2009 sa pamahalaang bayan ng Calaca
bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan. Humigit-kumulang
sa apat na daang (400) kabataan ang dumalo mula sa apatnapung barangay sa bayan
ng Calaca sa SK Youth Camp 2009 alinsunod sa ipinag-uutos ng Local Government
Code RA 7160, Chapter 10, Section 439. Layunin nito na hikayatin ang mga kabataan
na maging huwaran at mabuting lider. Bahagi nito, ang mga dumalo ay nagkaroon
ng seminar workshop na may temang “Encounter of the Next Generation Leaders”
kung saan iba’t ibang aktibidad ang itinuro sa kanila katulad ng pagkakakitaan
o hanap-buhay, pangangalaga sa kapaligiran, pagpapahalaga sa kultura at sining,
kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot, pagkakaroon ng libangan at laro na
makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan. Maayos namang naunawaan ng mga
dumalo ang nasabing mga paksa sa pamamagitan ng mahuhusay na tagapagsanay na
sina Konsehal Deovic Ontangco, Konsehal Robenson Sale, Gng. Cristy Balitustos
at G. Nickson Cuyom. Matagumpay na naisakatuparan ang programa sa pangunguna ni
Kgg. Emilyn Alcazar, Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa
pamamagitan ng mainit na suporta ni Mayor Nas Ona, Vice Mayor Larry Atienza mga
miyembro ng Sangguniang Bayan (Magnificent Seven) at ng ilang tanggapan ng
lokal na pamahalaan.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."