Gaano man kahirap ang buhay at gaano man karaming pagsubok
ang dumating sa buhay natin, pagsapit ng pasko puno pa rin ng sigla ang puso ng
mga Pinoy.
Kung
ating aalalahanin ang maraming trahedya na nagdaan sa taong 2009 gaya ngsunud-sunod na pananalasa ng mga bagyong
Ondoy, Pepeng at Santi ay mga pangyayari na kung tutuusin ay matitinding
dahilan upang makalimutan nating ngumiti at magsaya sa pagdating ng araw ng
pasko. Sa malaking pinsala na idinulot ng matinding pagbaha at pagkawasak ng
mga pamilya at kabuhayanng mga
kababayan na sinundan pa ng kontrobersyal na massacre sa Maguindanao na yumanig sa iba’t ibang panig ng mundo dahil
sa maraming bilang ng media na walang habas ding napaslang. At ang patuloy na
pag-aalburoto ng bunganga ng bulkang Mayon sa kasalukuyan na nagdudulot ng
napipintong matindi na namang krisis at panganib sa mga kapwa Pilipino lalo’t higit
sa mga Bikolano. Ang kabi-kabilang balita sa radyo, dyaryo at telebisyon
tungkol sa mga patayan, nakawan at iba’t ibang krimen ay nakapanlulumong
malaman. Maaari nating maitanong sa ating mga sarili, Merry pa ba ang Christmas
at Happy pa ba ang New Year?
Subalit likas na positibo ang mga Pinoy sa lahat
ng aspeto. Matapos ang matitinding bangungot na nagdaan, patuloy na bumabangon
at matapang na hinaharap ang hamon ng buhay. Nananatili ang pananalig sa Diyos
at ang paniniwalang matapos ang unos isang magandang bukas ang naghihintay. At
sa bawat luhang pumatak sa kanilang mga mata dahil sa labis na pagtangis at
kapighatian, batid ng Pinoy na determinasyon at pananampalataya ang matibay na
pundasyon sa pagbangon. Bagama’t magdidiwang sila ng pasko at sasalubong sa
bagong taon sa loob ng mga evacuation centers o nakikitira lang sa mga
kamag-anak, at salat sa material na bagay at masasarap na pagkain at
magagarbong dekorasyon sa pasko, may kagalakan pa rin nilang babatiin ang isa’t
isa ng Maligayang Pasko at Masaganang bagong Taon, Tuloy ang Pasko, Derecho pa!
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."