Isang
matagumpay na programa ang isinakatuparan para sa mga piling bata ng barangay San Rafael na nakararanas
ng problema ng malnutrisyon. Noong ika Setyembre 22 – 23, isinagawa ang
masusing pag – aaral ng mga nanay ng mga batang nabanggit na ginanap sa Science
Centrum. Sa mother’s class na ito na ginampanan ng Municipal Health Office at
Municipal Social Welfare and Development Office, nabigyan sila ng malawak na
kaalaman patungkol sa usaping pangkalusugan, pampamilya at pampamayanan.
Noong ika-24 ng
Setyembre, sinimulan naman ang “supplemental feeding’” para sa mga batang
kulang ang timbang. Sa mga pagkaing inirekomenda ng Municipal Agriculture
Office, inaasahan ang mabilisang pagtaas ng timbang ng mga batang ito. Napatunayang
epektibo ang programa matapos ganapin ang pagtitimbang ng Lunas Kalusugan
Volunteer Workers noong ika-23 ng Disyembre 2009 kasabay ang pagtatapos ng
programa. Isang matagumpay na aktibidad ang nakita sa pagtutulungan ng iba’t
ibang sangay ng gobyerno at suporta ng National Power Corporation na tumutugon
sa tawag ng tunay na paglilingkod sa komunidad.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."