Malugod na tinanggap ng mga Day Care worker, BHW, BNS at
Barangay Tanodang kanilang honorarium
at pamasko noong Disyembre 14, taong kasalukuyan sa Calaca Municipal Hall ground
lobby. Tumanggap din ng grocery items ang mga opisyales ng barangay ng araw na
iyon. Personal na dumating si Vice-Governor Mark Leviste upang pangunahan ang
pamamahagi nito sa tinatayang may pitong daang katao na dumalo.
Napuno
naman ng kasiyahan ang mga mamamayang Calaqueño sa kanilang natanggap na
anila’y maagang pamasko sa kanila ng pamunuan ni Gov. Vilma Santos-Recto.
Noong
ika- 12 hanggang 13 ng Nobyembre, 2009 tinapos ang pagsasanay ng huling grupo
ng mga kawani ng lokal na pamahalaan na may temang Gearing Up from Good to Great.
Ang nasabing grupo ay kinabibilangan ng mga opisyales, department heads at
ilang kawani ng lokal na pamahalaan. Naging positibo naman ang resulta ng
ginanap na pagsasanay na nagdulot ng malaking pagbabago sa mga empleyado tungo
sa mataas na antas ng paglilingkod sa mga mamamayang nangangailangan hindi
lamang sa nasasakupan maging sa mga karatig bayan at iba pang lugar. Matapos
ang pagsasanay masasabing hinahangaan ng mga kawani ng ibang minisipyo at
pribadong ahensiya ang mga empleyado ng munisipyo ng Calaca dahilan sa kakaibang
serbisyo at pagtanggap na ipinakikita ng mga ito sa sinumang lumalapit o
dumarating sa tanggapan ng lokal na pamhalaan sa bayan ng Calaca.
Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang
maghari ang Diyos” Mateo 4:17
Ganun
din naman madalas nating marinig ang katagang ito, “Ang paalala’y gamot sa
taong nakakalimot”. Ang Biblia ay naglalaman ng mga paalala, isa na dito ang
pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Paalala na wari ba’y
ipinagwawalang bahala natin. Bilang mga tao, patuloy pa din tayo sa pag-iisip ng
‘di-maganda sa ating kapwa, pagsasalita ng masama at kung minsan o madalas
paggawa ng hindi tama sa paningin ng tao lalo na sa paningin ng Diyos.