Muli na namang nagpakitang gilas ang mga kapulisan ng Bayan
ng Calaca sa pamumuno ni PCI Raymund Gary R. Mayuga sa pagsugpo sa paglaganap
ng ipinagbabawal na gamot at pag-aresto sa mga taong pinaghahanap ng batas.
Noong ika-12 ng Nobyembre 2009, ganap na ika-1:00 ng hapon,
sa kalye Marasigan, Barangay Poblacion 3 ay nadakip si Gavino Castromero y
Villaranda alyas Benny, 43 taong gulang, may asawa, walang hanap-buhay at
naninirahan sa Barangay Poblacion 4 sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6
(illegal possession of deadly weapon). Nahaharap din ang mga suspek sa kasong
pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot (shabu) o paglabag sa section 11 ng
Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act of 2002).
Samantala, ika-9 ng Disyembre 2009, ganap na ika-11:00 ng
umaga ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulis Calaca at kagawad ng Batangas
Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Sitio Pag-asa, Barangay
Pantay ang apat na kalalakihan at isang babae sa kasong paggamit (pot session) at
pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot (Violation of Section 11 and Section 15 of
Republic Act 9165. Nakilala ang mga nasakote sa pangalang Paul Vladimir Monte
Claro Y Ardino, 26 na taong gulang, may asawa, walang hanap-buhay, tubong Tuy
Batangas at Joel Secreto, Y Arbas, 32 taong gulang, may-asawa, karpintero. Kasama ring nahuli sina Juanito Dela Cruz Y
Tamarion, 33 taong gulang, binata, walang hanap-buhay, tubo sa Purok 9,
Muntinlupa City, Jerry Mendoza Y Campos, 26 na taong gulang, may-asawa, binata,
karpintero at Rodesa Viray Y Campos, dalaga, walang hanap-buhay, tubo sa Purok
7, Muntinlupa City at lahat ay kasalukuyang naninirahan sa Sitio Pag-asa,
Barangay Pantay, Calaca, Batangas.
Dagdag pa rito, noong ika-12 ng Oktubre 2009, ganap na
ika-10:45 ng umaga nahuli ng mga kagawad ng pulisya si Jeric Abad Y San
Gabriel, 33 taong gulang, may- asawa, kargador at naninirahan sa Barangay
Lumbang Calzada nang nabanggit ding bayan. Dinampot ng mga operatiba ang suspek
sa bisa ng Warrant of Arrest na nilagdaan ni Judge Vicente Montes ng MTC Calaca
sa kasong tangkang pataksil na pagpatay (Attempted Murder). At ilang araw bago
magpasko, pinangunahan ni PINSP Davis A. Locloc ang pagdampot kayAurelio Manalo Y Magnaye, 38 taong gulang,
may asawa, at magsasaka ng Barangay Cahil noong ika-19 ng Disyembre 2009, sa
kasong panggagahasa (2 counts) sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni
Judge Carolina De Jesus ng RTC Branch 9, Balayan. Ang nasabing akusado ay
number 3 sa listahan ng Top Ten Most Wanted Person sa Bayan ng Calaca.
Sa ika-anim na pagkakataon sa loob ng limang taong
administrasyon nina Mayor Nas Ona at Vice-Mayor Larry Atienza, nagkaroon ng Job
Fair sa bayan ng Calaca na ginanap noong ika-22 ng Setyembre sa Municipal
Gymnasium. Nagkaroon ng mahigit na tatlong daan at pitumpung (370) bilang ng
mga aplikante ang nag-apply na kung ikukumpara sa nakaraang idinaos na limang
Job Fair ay malaking bahagdan na ang ibinaba ng bilang ng mga Calaqueñong
walang trabaho. Kabilang sa mga kompanyang dumating ang SM CITY BATANGAS, JEANNIE’S
TOUCH PRODUCTS & SERVICES, GOLDEN BELL CONSTRUCTION & GENERAL SERVICES,
AZ CONTRUCTING SERVICE INCORPORATED, TSPI DEVELOPMENT CORPORATION, YWA HUMAN
RESOURCE CORPORATION, COUNTRYBEST INTERNATIONAL PLACEMENT CORPORATION,
PRETICHAGE MANPOWER & SERVICES INCORPORATED, EAST WEST PLACEMENT CENTER
INCORPORATED.