Napagkalooban
ng binhing mais ang mga magsasaka mula sa Tanggapan ng Philippine Coconut
Authority o PCA sa pamamagitan ng G. Pacifico C., Ramos kinatawan ngTanggapan na nakatalaga sa bayan ng Calaca. Sa pakikipag-ugnayan sa Pambayang Tanggapan ng
Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alice A. Cabrera matagumpay na naipamahagi ang
binhing mais naumabot sa apat na daan
at apatnapu’t isang (441)magsasaka mula
sa dalawampu’t walong (28) barangay sa nasasakupan ng bayan ng Calaca ang
nabiyayaan ng programa.Layunin nito na
maipatupad ang Coconut-Corn Intercropping at Hunger Mitigation Program at upang
malinang at pakinabanganang bakanteng
lupa sa ilalaim ng niyugan. Kasama ng bawat sako ng mais ang pakete ng BIO-N,
isang innoculant na makatutulong sa pagpapalusog ng sibol ng mais. Nakapaloob
sa pagpapatupad ng programa ang pagbabalik ng sampung (10) kilo ng tuyong mais
pagkatapos aninhin upang muling maipamahagi sa iba pang magsasaka na hindi
nabiyayaan sa unang serye. Hindi lamang binhing mais ang tulong na ipinamahagi
ng PCA sa mga nagsasakang Calaca
subalit tuloy pa din ang Salt Fertilization Program kung saanpinagkakalooban ng libreng Salt Fertilizer
ang mga magniniyog.
Tumanggap ng honorarium ang mga LUNAS Kapayapaan,
Kalusugan, Kabatiran, Pampangisdaan, Animal Health, Bantay Dagat Volunteer
Workers sa bayan ng Calaca noong ika-23 ng Nobyembre 2009 kasabay ng ginanap na
LUNAS Volunteers General Assembly.