Sa pagbubukas ng taunang pambayang palaro para sa mga
mag-aaral sa sekundarya at elementarya maging pribado man o publiko, nagsimula
ang programa sa isang makulay na parada sa kalye ng poblasyon na sinaliwan ng
tugtog ng mga banda mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Calaca noong
ika-13 ng Agosto 2009. Ang programa ay pinangunahan nina Konsehal Deovic M.
Ontangco (Chairman, Committee on Education), DepEd District Supervisor, Dr.
Hermogenes M. Panganiban at mga pinuno ng paaralan. Nagbigay kulay din sa
okasyon ang mga naggagandahang representante bilang mutya ng bawat paaralan.
Matapos ang parada isinagawa ang simpleng programa sa oval ng Calaca Central School
kung saan pinangunahan ni Nickson Cuyom, pambansang kampeon 2009 sa larangan ng
pagtakbo, ang pagdadala ng torch bilang hudyat sa pagbubukas ng mga aktibidad
at iba’t ibang events gayun din ang panunumpa ng mga manlalaro. Makabuluhang
mensahe naman ang inihatid ng napakahusay na District Supervisor na naglalaman
ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong walang humpay na sumusuporta sa lahat
ng pangangailangan ng DepEd maging sa academic, sa isports at sa mga pagawaing
pang-inprastraktura.