streetdance06 drum&lyre02 seniorcitizen04 seniorcitizen03 msgay13 npc inauguration25 opening10 pawikan_moa_signing_07 msgay06 caracol03 inauguration22 caracol05 bbatgcalaca02 bestfloat01
HOME
ABOUT CALACA
LOCAL GOVERNMENT
INFORMATION
DOWNLOADS
GALLERY
CONTACT US
NEWS FEEDS
LINKS
HOME

Today's Weather

Google Search

WebCalaca

Mabuhay Philippines!!!

Philippine Flag

 "Proudly Calaqueño"
  


Best Viewed in Mozilla Firefox

Mozilla Firefox
 

 
Facebook Logo
 
 
Friendster Logo
  
LGU - Calaca YouTube Videos
 gov.jpg
 
   
 Jobstreet Philippines
 
 
Buy and Sell Philippines

Login


:  
   
Lost Password?

Polls

What do you think of our website?
 
nutritionmonth.gif
Advertisement
DR. BERNADETTE ENDAYA MAGNAYE, Ang Husay Mo Kabayan!
News

Ni: Lorena C. Casanova

 

drabernadette.jpgTaong 1982, isinilang ang isang malusog at may kakaibang gandang sanggol na babae na nagngangalang Bernadette (kilala sa tawag na Dedette) sa tahimik na barangay sa bayan ng Calaca, ang Lumbang na Bata.

 

Si Dedette ay pangalawa sa tatlong supling ng mag-asawang Agnes J. Endaya, R.N at Engr. Gregorio V. Magnaye. Ang dalawa niyang kapatid ay sina Shieryl (Physical Therapist) at Knette na kasalukuyang nag-aaral ng nursing. Lumaki, nagkaisip at nagdalaga si Dedette sa piling ng kanyang Lolo Eufronio  “Ponying” kung tawagin at Lola Mameng Endaya. Samantalang minabuti ng kanyang responsableng mga magulang na magtrabaho sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang tatlong anak. Hinubog at pinag-aral si Dedette ng elementarya sa isang simpleng eskwelahan sa Coral na Munti sa bayan ng Agoncillo Batangas. Nagtapos siya ng kurikulum noong 1996 bilang class valedictorian kalakip ang iba’t ibang parangal katulad ng Governor Mandanas Achievement Award, Girl Scout Leadership Award at First Place-Home Makers of the Philippines sa Regional Level.

 

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa mataas na antas sa isang kilalang eskwelahan sa unang distrito ng Batangas ang Our Lady of Caysasay Academy (OLCA) sa bayan ng Taal. Buong sikap na ibinuhos ng dalaga ang kanyang dedikasyon sa pag-aaral kaya naman nagtapos siya ng sekundarya noong 2000 at napabilang sa honor roll.

 

Dahil sa tiyaga na may kalakip na mataas na pangarap, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Kumuha siya ng kursong Medical Technologist sa Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation sa Lungsod ng Maynila. Nagtapos siya noong taong 2004, at ginawaran ng pagkilala bilang Most Proficient Intern sa paaralan. Sa labis na pagod ng kanyang isipan sa pag-aaral naisip niyang magpahinga upang makapag-relax ang katawan at ang isip na halos ay umabot sa dalawang taong pamamahinga. Subalit noong taong 2006 muling sinimulan ang kanyang pakikibaka. Napag-isipan niyang kumuha ng board examination. Dahil sa magandang kapalarang tinataglay nakapasa siya at naging isang Registered Medical Technologist. Hindi pa rin tumigil si Dedette upang abutin ang kanyang napipintong mataas na pangarap, kung kaya nagdesisiyon siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa medisina sa nasabi ding paaralan. Hindi naglaon, nakatapos siya ng kursong medisina na kaagad kumuha ng board exam nitong buwan ng Agosto at mapalad ding nakapasa ng buwang iyon. Sa kanyang edad na dalawampu’t pito (27) ginugugol niya ang kanyang panahon sa pagse-serbisyo sa mga taong nangangailangan sa anim na kilalang ospital sa Lungsod ng Maynila, kabilang ang East Avenue Medical Center, Rizal Medical Center, Philippine Orthopedic Center, Fe Del Mundo Hospital, Metropolitan Medical Center, United Doctors Medical Center at National Center for Mental Health Hospital.

 

Dahil sa magagandang karanasan at husay na ipinamalas ni Badette maituturing siyang isang yaman ng bayan ng Calaca sapagkat saan man siya pumunta ay dala-dala niya ang kanyang titulo at ang pagiging isang tunay na Calaqueño.

 

Sa katulad mo Dr. Bernadette Endaya Magnaye, saludo po kami sa iyo!
 
< Prev   Next >

Featured Article

EDITORYAL: Pruweba, Hindi Propaganda

Panahon na naman ng eleksyon, marami na naman tayong kaibigan na gumagala sa mga bahay-bahay. Karamihan sa mga ito ay palakaway, palakamay at palaakbay. Lahat sila’y tila ba pinakamabuting tao na dapat ihalal at sa bawat pisil sa pagdampi ng kanilang mga kamay ay isang biyaya na dapat agad sunggaban. Sa mga tarhetang kanilang iniaabot kasama ang ilang pirasong kendi para sa mga botante ay pampalaway ay para bang nagsasabing kasing tamis nito ang  serbisyong  handang ibigay. Sa kanilang posters at campaign materials na sa mga pader, poste at punungkahoy ay nakasabit, nakasulat  walang kamatayang slogan ng partido pulitikal o mga nakalulululang pang-uri na naglalarawan sa kanilang adhika. Katabi ng mga ito nakabalandra nilang matamis na ngiti at sa ibaba nakasulat ngalan ng kandidato na para bang nagsasabing iboto mo ako problema mo’y mapapawi handang lingapin ang pusong sawi.

 

Read more...
 

Advisories

Orientasyon para sa Natatanging Abilidad ng Calaqueño - August 2010

(A Reproductive Health Program)

BARANGAY BISAYA
 

SCHEDULE OF ACTIVITIES

1:00 pm – 4:00 pm

 

Read more...
 
Comparative Annual Performance Reports (2006 - 2010)

Please click the images for a larger view.

Assessor's Office
assessor_exempt.jpg assessor_taxable.jpg
 Market & Slaughterhouse  Treasurer's Office
market&slaughterhouse.jpg treasurer.jpg
Read more...
 

Municipal Health Office - Clinic Schedule

 Doctors  Specialization  Day  Time
 Marjolyne Sharon V. Ona, MD  Internal Medicine  Monday to Friday  8:00am to 5:00pm
 Hanicarl Castro Buhay, MD  General Practitioner  3x a week  9:00am to 4:00pm
 Brishelbea Sarabia, MD  Obstetrician Gynecologist  Tuesday  9:00am to 12:00nn
 Rizza Berberabe, MD  Obstetrician Gynecologist  Tuesday  2:00pm to 4:00pm
 Sirikit Moral Macatangay, MD  Obstetrician Gynecologist  Wednesday  9:00am-12:00nn
 Buenaventura Magboo, MD  Obstetrician Gynecologist  Thursday  9:00am to 12:00nn
 Aldrin Cuasay, MD  Surgeon  Thursday  9:00am to 12:00nn
 Avelino I. Perez, DMD  Dentist  Monday Wednesday Friday  9:00am to 4:00pm
 Marillac M. Carandang, DMD  Dentist  Tuesday and Thursday  8:00am to 5:00pm
       

Verse of the Day

Municipal Trunklines

Globe: (043) 4240-NAS

Continental: (043) 2234-NAS

FAX: (043) 4240-ONA
 
CONGRATULATIONS!!!
Mayor: Sofronio "Nas" C. Ona, Jr.
Vice-Mayor: Lordilando "Larry" M. Atienza
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
proclamation2010_06.jpg
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."

Events Calendar

« < July 2010 > »
S M T W T F S
27 28 29 30 1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
No events

You Are Visitor

We have 105 guests online.

Visitors Map



The Municipality of Calaca © 2008. All Rights Reserved.
Designed by Larry Amisola