Tinanghal bilang kampeon ang mga
batang may kapansanan mula sa SPED class ng Dacanlao Gregorio Agoncillo
Elementary School sa bayan ng Calaca matapos magpakitang gilas sa larangan ng
pagsayaw (Junior Division) sa katatapos lamang na National Prevention on
Disability Rehabilitation Week Celebration na ginanap sa SM City Event Center
noong ika–27 ng Hulyo 2009. Ang nasabing selebrasyon na kinapapalooban ng iba’t
ibang patimpalak tulad ng Water Color Painting, singing contest, poster making
at dance contest na may junior at senior division. Ang mga ito ay nilahukan ng
iba’t ibang bayan mula sa probinsya ng Batangas kasama na ang bayan ng Calaca. Tatlumpu’t
tatlong (33) bata na may kapansanan kasama ang kanilang mga magulang ang
nakiisa sa selebrasyon at lumahok sa larangan ng pagkanta sa pamamagitan ni
Joseph Mendoza ng Barangay San Rafael na may kapansanan sa mga paa. Samantala,
ang patimpalak sa larangan ng pagsasayaw ay sinalihan nina Troy Jamil
Manguerra, Romy Tumbaga, Mike Jacob Bande at Paul Vincent Guevarra na kapwa mga
mag-aaral din sa nasabing paaralan. Ang mga batang nakilahok ay matiyagang
tinuruan ng kanilang SPED teacher na si Gng. Igleceria Alvarez.
Tunay ngang nakakatuwang isipin na hindi hadlang ang kanilang kapansanan
upang maipakita ang kanilang kakayahan at mabansagang kampeon sa iba’t ibang
larangan.
Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi Niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat nalalapit nang
maghari ang Diyos” Mateo 4:17
Ganun
din naman madalas nating marinig ang katagang ito, “Ang paalala’y gamot sa
taong nakakalimot”. Ang Biblia ay naglalaman ng mga paalala, isa na dito ang
pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Paalala na wari ba’y
ipinagwawalang bahala natin. Bilang mga tao, patuloy pa din tayo sa pag-iisip ng
‘di-maganda sa ating kapwa, pagsasalita ng masama at kung minsan o madalas
paggawa ng hindi tama sa paningin ng tao lalo na sa paningin ng Diyos.
Sangguniang Bayan Members:
1. Anselmo "Elmie" L. Macalindong
2. Prima "Emma" C. Dajoyag
3. Deovic "Deo" M. Ontangco
4. Luis "Chito" M. Macalalad
5. Niño Glenn "Glenn" M. Matulac
6. Robenson "Beson" M. Sale
7. Brigido "Berling" A. Casanova
8. Roberto "Robert" R. Salazar
"Malugod at taos pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala."