Matagumpay
na naisagawa ang taunang pagkakaloob ng libreng tuli sa tatlong daan at
labing-isang (311) mga batang lalaking Calaqueño na may edad sampung taong
gulang pataas sa Calaca Rural Health Unit bahagi ng programang pangkalusugan ng lokal na
pamahalaan sa ilalim ng administrasyong ONA-ATIENZA.
Ginanap ang unang pagtutuli noong Abril 24 2009 at nagkaroon ng dalawang daang (200) pasyente. Dahil
sa malaking bilang ng mga pasyente na gusting magpatuli, nagsagawa ng pagtutuli
noong Mayo 13 ng taong ding iyon kung saan umabot sa isandaan at labing isa ang
bilang ng nagpatuli. Ang pagtutuli ay pinangunahan ni Dr. Marjolyne Sharon V. Ona (Municipal Health Officer) kasama
ang limang midwives at nursing staff. Naging katulong nila ang mga doktor mula sa iba’t ibang ahensyang
medikal kabilang sina Dr. Sena C. Calingasan at Dr. Sozimo C. Lamano bilang DOH
Representative for Center Development. Nakibahagi din sina Dr. Hanicarl Castro at
Ms. Caroline J. Duman ng Madonna General
Hospital; Dr. Norberto M. Malabiran, Jr. (General and Cancer Surgeon), Dr.
Avelino I. Perez kapwa mula sa bayan ng Calaca, Ms. Camille Carissa Asuncion
mula sa Pinoy M.D., Scholar ng Department of Health at Mr. Donald Endozo,
Medical Technologist. Tumulong din sa nasabing aktibidad ang limang (5) NARS
(Nurse Assigned in Rural Service) mula sa Department of Labor and Employment na
sina Jennibeth Mae B. Miel,Ivy B.
Colondres,Donalyn T. Medina, Shearyl N. Mamaril at Norman Rey G. Reyes. Nakibahagi
rin sa programa si Vice-Mayor Larry Atienza upang tumulong sa mga batang
nangangailangan sa pamamagitan ng boluntaryong pagtutuli kahit abala sa mga
gawain sa sangguniang Bayan.
Lubos
ang kasiyahan at pasasalamat ng mga batang naserbisyuhan dahil nasulit nila ang
tagal ng oras na ipinaghintay at sa kaba na naramdaman dahil sa maayos na
serbisyong nakamtan. Ganun din ang kalugurang nadama ng mga magulang dahil sa
halagang natipid upang ipatuli ang kanilang mga anak.
In observance of the nutrition month, the Municipality of Calaca
through the office of the Municipal Social Welfare and Development Office and the
Municipal Health Office celebrates Nutrition month with day care children. Through the technical supervision of the
MSWDO, Day Care Workers prepared the celebration with the theme “Wastong
Nutrisyon Kailangan, Lifestyle Diseases Iwasan”. Day care parents attended the
activity together with Barangay Officials and Lunas Volunteers (BHW, BNS) who worked
hand in hand to make the celebration more significant to their constituents.
Day Care Children in the upland area paraded around their respective barangay
with basket of fruits in hand. After the parade, the children and their parents
cook vegetables and rice promoting nutritious food for children.