Bahagi ng proyekto ng Department of Health, nakiisa ang
bayan ng Calaca sa pamamagitan ng Rural Health Unit sa pagkakaloob ng libreng
bitamina A at pampurga o deworming sa mga batang may edad na siyam (9) na taon
pababa na tinatawag na “garantisadong
pambata”. Ito ay isinagawa sa barangay health centers sa apatnapung (40)
barangay na nasasakupan ng bayan ng Calaca noong buong buwan ng Abril taong
kasalukuyan kung saan dinalaw ng mga Midwives ng Rural Health Unit ang bawat
barangay upang sila ang magsagawa ng libreng deworming at pagpapainom ng
bitamina.
Ayon
sa mga magulang ng mga batang nabiyayaan, malaki ang kanilang pasasalamat sa
mga taong may-akda ng mga makabuluhang programang ng Rural Health Office na pinamumunuan
ni Dr.Sharon V. Ona at sa kanyang mga staff sa
patuloy na pagtataguyod ng kalusugan ng mga Calaqueño at sa kapakanan ng mga
mumunting bata.
Noong
ika-23 ng Nobyembre, 2009 pormal na naghain ng kandidatura ang mga kaalyado ng
kasalukuyang administrasyon sa bayan ng Calaca. Sa pagtataas pa lamang ng
bandila ng Pilipinas at bandila ng bayan ng Calaca nag-animo’y dalandan ang
kapaligiran dahil sa mga nakasuot ng kulay orange (ang opisyal na kulay ng
kasalukyang administrasyon) na nakiisa sa flag raising ceremony. Kasabay nito
ipinakilala ang mga kandidato ng partido lokal ng LAKAS-CMD KAMPI na
pinangunahan ng kasalukuyang punumbayan, Mayor Sofronio Leonardo “Nas” C. Ona,
Jr.. Kabilang sa partido sina Vice-Mayor Lordilando D. Atienza at limang
kasalukuyang konsehal ng bayan na sina Kgg. Prima C. Dajoyag, Kgg. Brigido
Casanova, Kgg. Luis Macalalad, Kgg. Robenson Sale at Kgg. Deovic Ontangco.
Samantala tatlong bagong kandidato ang napasama sa hanay kabilang sina G.
Anselmo Macalindong, G. Robert Salazar at dating SK federation president, Niño
Glenn Matulac. Buo naman ang suportang ibinigay ng mga kapitan ng barangay sa
pangunguna nina ABC President Orlando Noche at Sk Federation President Emilyn
Alcazar. Mula sa hanay ng limang (5) incumbent, tatlong (3) bago sa partido at
dalawang (2) ex-officio sila ay tinawag na magnificent ten. Matapos ang
pagpupugay sa bandila, ilang sandali lang ay pormal ng tinungo ng mga kandidato
ang opisina ng COMELEC upang ihain ang kanilang kandidatura habang matiyagang
naghintay ang mga taga-suporta ng partido hanggang sa ito ay matapos.